Geneva Cruz and KC Montero settle in Seattle


KC Montero and wife Geneva Cruz have decided to settle in the US with Geneva's son to Paco Arespacochaga, Heaven. The couple and Heaven are now staying in Seattle, where KC works in a real estate business.



Sa press con ng trilogy movie na Paraiso: Tatlong Mukha ng Pag-asa last June 20 ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Geneva Cruz na si Girlie Rodis. Isa rin si Girlie sa mga dedicated at advocates ng Gawad Kalinga Foundation, na siyang nag-produce ng Paraiso.



Masayang ibinalita sa PEP ni Girlie na feeling nanay-nanayan sa United States ngayon si Geneva. Nagdesisyon na kasi si Geneva na manirahan for good sa US. Nakatira ngayon si Geneva sa Seattle, Washington, with her husband KC Montero and son Heaven. Mrs. Geneva Cruz Miller na raw ang singer doon.



Four years ago nang ikasal sina KC at Geneva, pero late last year lang nila inamin. Umalis sila ng Pilipinas noong December 2006. Matatandaan na bago umalis ng bansa si Geneva ay nagpakawala muna siya ng mga "pasabog" sa "Forbidden Questions" segment sa radio show ni DJ Mo Twister.

By virtue of her marriage with KC, naging instant immigrant si Geneva sa US, bitbit ang anak na si Heaven sa kanyang petition.



Actually, si Heaven daw ang isa sa matinding dahilan kaya nagdesisyon si Geneva na sa US na tumira. Ito ay para mabigyan ng mas magandang future ang anak. Si Heaven daw mismo ang nagsabi sa kanya na gusto nitong tumira sa US.



Aliw na aliw naman daw ang parents ni KC kay Heaven. Matagal na raw naghihintay ng apo ang mga magulang ni KC, pero wala pa silang maibigay ng kapatid niyang si Troy Montero, who is involved with Aubrey Miles.



Noong birthday ni Heaven, March of this year, umuwi ng Pilipinas sina KC at Heaven. Sakto na nandito rin ang biological father ni Heaven na si Paco Arespacochaga. Magkasamang ipinasyal nina KC at Paco si Heaven.

"Noong naglalakad nga raw sila, pinagtitinginan sila ng mga tao. Kasi dalawa silang [KC and Paco] may dala-dala kay Heaven. Iniisip siguro nila kung sino ang gay sa dalawa!" natatawang kuwento ni Girlie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtatrabaho raw si KC sa real estate family business ng mga magulang niya. Nag-aaral din daw si KC para makakuha ng license sa pagiging broker. Ito rin daw ang trabaho roon ng dating aktor na si Gabby Concepcion. But unlike KC, licensed broker na sa US si Gabby.



"I'm sure nami-miss na ni Geneva ang pagkanta. Kaya lang, feeling naman niya di na sila nabibigyan ng magandang exposure sa TV," sabi ni Girlie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN