StarStruck Avenger Jesi Corcuera bonds with her estranged father


"Kung anuman ‘yong ginagawa ngayon ng tatay ko, siguro he's making up for lost time... Ang sa akin na lang, masarap din naman ang feeling na nandiyan pa pala ang ama mo at inaasikaso ka ngayon. Kahit siguro temporary lang ito, at least, naranasan kong magkaroon ng ama," says Jesi Corcuera about her estranged father.


After 16 years ay muling nakilala ng StarsStruck 4 Avenger na si Jesi Corcuera ang kanyang ama. Ikinuwento ni Jesi sa press launch ng bagong GMA-7 youth-oriented show na Boys Nxt Door na hindi raw niya nakilala nang husto ang ama. Ang alam lang daw niya ay sa Dubai ito nagtatrabaho.



May apat na kapatid si Jesi sa kanyang ama at isa naman sa kanyang ina. Lumaki si Jesi sa kanyang ina sa Pasay City, pero kataka-takang lumaki siyang tomboy.



"Siguro po sa kakahanap ko ng father figure noon, mas naging malapit ako sa mga lalake. Sila ang mga naging barkada ko kaya naimpluwensiyahan ako. Ang mommy ko kasi, nagtatrabaho siya kaya di ko siya madalas makasama sa bahay," paliwanag ni Jesi tungkol sa kanyang sexual preference.



Bolalin ang tunay na family name ni Jesi, pero nang sumali siya sa StarStruck: The Next Level ay Corcuera ang ipinagamit sa kanya ng kanyang ina.



"Maiden name ng mommy ko ang Corcuera. Since wala naman daw naging hirap sa akin ang ama ko, bakit ko pa raw gagamitin ang Bolalin," sabi ni Jesi.



"Kaya nga noong lumalabas na ako sa StarStruck at nakikilala na ako ng maraming tao, doon lang nagparamdam ang tatay ko. Nagulat nga ako kasi nagagalit siya dahil bakit hindi raw Bolalin ang ginamit ko? Siyempre, nag-explain ang Mommy ko sa kanya. Totoo namang walang hirap sa pagpapalaki sa akin ang tatay ko, kaya mas gagamitin ko ang family name ng mommy ko, di ba?"



Pero gumawa nga raw ng paraan ang ama ni Jesi na mapalapit sa kanya. Pinuntahan daw siya sa bahay nito sa Pasay City at kinilala raw nito mabuti ang anak.

"May pasalubong pa nga sa akin," ngiti ni Jesi. "Niregaluhan niya ako ng cell phone. Natuwa naman ako for the first time, naregaluhan niya ako after 16 years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Tapos dinala niya ako sa probinsiya niya sa Legaspi City. Ipinakilala ako sa mga kamag-anak namin na first time kong nakilala. Gulat na gulat ako sa ginawang 'yon ng tatay ko. Siguro nga proud siya sa akin kaya ipinagmamalaki ako.



"Kung anuman ‘yong ginagawa ngayon ng tatay ko, siguro he's making up for lost time. Ayoko namang isipin na dahil kilala na ako, doon lang niya ako kinilala. Ang sa akin na lang, masarap din naman ang feeling na nandiyan pa pala ang ama mo at inaasikaso ka ngayon. Kahit siguro temporary lang ito, at least, naranasan kong magkaroon ng ama."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN