Mark Herras sending love signs to Marian Rivera again


Young actor Mark Herras admits sending flowers to Marian Rivera for bagging the role of Marimar. But Mark clarifies that he and Marian are just friends.


Mukhang nanunumbalik na ang pagtitinginan sa pagitan nina Mark Herras at Marian Rivera na minsan na ring na-link noon. May balita kasi na pinadalhan ni Mark ng bulaklak si Marian bilang pagbati dahil ang young actress ang napiling gumanap ng title role sa Marimar, ang bagong teleserye ng GMA-7 na dating ginampanan ng Mexican singer-actress na si Thalia.



Inamin naman ito ni Mark sa grand opening ng Forever Flawless noong June 23 sa Mall of Asia. Pero pinapadalhan na raw niya ng bulaklak si Marian noon pa.

Nilinaw ni Mark na magkaibigan lamang sila ni Marian. Pero hindi maikakaila ang kakaibang glow sa mga mata ni Mark sa tuwing binabanggit ang pangalan ng magandang young actress.

Maiba naman, isa sa mga dasal ni Mark ang natupad. Nakuha na ng young actor ang bago niyang sasakayan last June 20—isang black RAV car reportedly worth P1.4 million. Kalahati nito ay binayaran na ni Mark as down payment and the rest, huhulug-hulugan na lang niya.



Sino ang unang babaeng naisakay niya sa bago niyang kotse?



"Wala pa," sabi ni Mark. "Pero si Ryza [Cenon], hindi ko namalayan... Nalaman ko na lang na sumakay pala siya. Sumakay, hindi isinakay!" natatawa niyang pagkaklaro.

Ayon kay Mark, nagte-taping daw sila noon ng Fantastic Man. Habang kinukunan ang eksena ni Mark ay binusisi naman ni Ryza ang kanyang kotse.

Hindi naman nagwo-worry si Mark na magiging minus pogi points ito sa panunuyo niyang muli kay Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN