PBB evictee Nel Rapiz defends co-housemate Wendy Valdez


"Hindi ko naman po kinakampihan si Wendy [Valdez]. Nagkataon lang na magkalapit kami," says Pinoy Big Brother evictee Nel Rapiz.



"Hindi ko naman po kinakampihan si Wendy [Valdez]. Nagkataon lang na magkalapit kami," paliwanag ng latest Pinoy Big Brother evictee na si Nel Rapiz tungkol sa komento ng co-housemate niyang si Beatriz Saw na para silang alagad o kanang-kamay ni Wendy sa loob ng Bahay ni Kuya.

"Hindi po ako alagad ng kahit sino dahil may sarili po akong pag-iisip. Nirerespeto ko naman po lahat ng desisyon at opinyon nila. I'm being too broadminded [about] the things na nangyayari," dagdag na pahayag ni Nel sa live interview sa kanya ng The Buzz kahapon, June 24.

Naniniwala rin si Nel na lahat ng kanyang kasamahan sa Bahay ni Kuya ay nagpapakita diumano ng totoong sarili nila. Ngunit lumakas ang hiyawan mula sa studio audience nang sagutin ni Nel kung sa tingin niya ay mayroong nagpapakitang-tao lamang sa mga housemates.

Aniya, "Sa tingin ko po, wala namang nag-a-acting lang. Totoo naman po lahat doon sa loob kasi di po namin alam kung ano ang nangyayari sa bahay."

Kabilang na rin diumano sa mga tinutukoy niya si Wendy, na lubos nagpakita ng pagkadismaya nitong nakaraang linggo dahil sa pagkakapili sa kanya nina Bea at Gee-Ann Abrahan bilang isa sa tatlong housemates na kailangang lumabas ng bahay.

Para kay Nel, naging isang tunay na kaibigan sa kanya si Wendy.

"Mahal ko po [si Wendy] bilang kaibigan. Napakita niya po sa akin na totoo po siya," sabi ng evicted housemate.

Samantala, kapansin-pansin naman sa paglabas ni Nel sa Bahay ni Kuya ang paghahanap ni Nel sa dating housemate na si Maricris Dizon, na nakamabutihan din niya sa loob ng Bahay ni Kuya.

"Si Maricris po ang una kong hinanap, kasi siya po yung kumakampi sa akin parati," paliwanag ni Nel.

Ibig bang sabihin nito ay mahal niya si Maricris?

"Mahal. I love Maricris. Nagkusap kami kagabi," pahayag ni Nel .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang una na raw niyang binitiwang mga salita kay Maricris ay: "I love you."

Sa ngayon, handa raw si Nel na harapin kung anuman ang mayroon para sa kanya matapos ang bakasyon niya sa loob ng Bahay ni Kuya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN