Ricky Davao keeps mum about his brother's drug case


Ricky Davao (right) refused to comment on his brother Bing Davao's (left), involvement in a drug raid at Taguig City recently. Bing and his wife Fatima were among those caught in a pot session.


Ayaw pang magbigay ng kanyang pahayag ang aktor na si Ricky Davao tungkol sa pagkakasangkot ng kanyang kapatid na si Bing Davao—isa ring character actor—sa isang drug-raid operation sa Taguig City. Tumanggi si Ricky na magpa-interview sa camera crew na nasa Kapusolympics last Saturday, June 23.



Ayon sa report ay kasama si Bing at ang misis nitong si Fatima sa isang grupo na gumagamit ng pinagbabawal na gamot sa loob ng isang condominium unit sa Taguig. Nakitaan pa raw ang grupo ni Davao na may mga dalang baril at mga pakete ng shabu sa kanilang bulsa.



Matagal na raw minamanmanan ng mga pulis ang grupo ni Bing dahil may impormasyon nga silang nakuha na may drug lair daw ang grupo nito sa Taguig . Pagkatapos isagawa ang raid ay ikinulong si Bing kasama ang kanyang misis at iba pa nilang mga kasama sa Taguig City Jail.



Ayon kay Ricky, wala pa raw siyang nakukuhang impormasyon tungkol sa nangyayari ngayon kay Bing. Nagulat din daw siya sa mga nakarating sa
kanyang balita. Ayaw muna niyang magbigay ng komento, unless makausap niya si Bing.



Pabayaan daw muna ang pamilya nila na mag-usap-usap regarding sa nangyari kay Bing. Uunahin muna nilang resolbahin ang family crisis na ito bago sila magbigay ng statement sa media.

Tila sunud-sunod ang dagok sa pamilya Davao. Matatandaang a few weeks ago ay napabalitang inatake sa puso ang ama nina Ricky at Bing na si Charlie Davao. Ayon pa nga sa balita ay hindi raw nag-abot ng tulong ang mga anak ng character aktor habang ito ay nasa ospital. Pero mariin naman itong pinabulaanan ni Ricky. At ngayon nga ay ang kaso naman ni Bing ang kinahaharap ng kanilang pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN