Anjo Yllana defers to wife Jackie's silence on Leviste driver's claim


"Ayoko namang pilitin si Jackie. Alam naman namin na walang katotohanan yung sinabi ng driver ni Mr. Leviste. Kaya tama na rin yun. Ayokong magsalita for her kasi hindi naman ako involved sa issue," explains Anjo Yllana about the decision of his wife, Jackie Manzano, to keep mum.


Tumangging magbigay ng komento ang comedian at dating vice mayor ng ParaƱaque na si Anjo Yllana sa akusasyon ng dating driver ni Batangas Vice Governor-elect Marc Leviste. Ayon kay Edward Ronquillo, nagkaroon diumano ng sexual relationship ang asawa ni Anjo na si Jackie Manzano at si Leviste.



Ayon kay Anjo, hindi raw siya ang dapat na magsalita kundi ang kanyang asawa na si Jackie dahil ito raw ang sangkot sa issue.



"Sa totoo lang, gusto ko na si Jackie ang magsalita. Kasi siya naman ang na-name-drop nung driver, di ba? Gusto kong siya ang magsalita sa TV to defend herself. Hangga't maaari nga, gusto ko na live siyang mag-guest sa mga talk shows para lang makapag-explain siya," sabi ni Anjo sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Pero hindi raw mapipilit ni Anjo ang kanyang misis na magsalita sa TV kaya pababayaan na lang daw ang nila issue dahil matatapos din daw ito.



"Ayoko namang pilitin si Jackie," ani Anjo. "Alam naman namin na walang katotohanan yung sinabi ng driver ni Mr. Leviste. Kaya tama na rin yun. Ayokong magsalita for her kasi hindi naman ako involved sa issue."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN