Alan Peter Cayetano on Rodrigo Duterte: ''He's an advocate for women.''

Apr 17, 2016
<p>Vice presidential candidate Alan Peter Cayetano defends running mate and Davao mayor Rodrigo Duterte, who drew flak after cracking a joke about an Australian rape victim. Currently making its rounds on social media, the viral video taken from one of hi

“He's an advocate for women.”

Ito ang depensa ni Sen. Alan Peter Cayetano, na tumatakbo bilang bise-presidente, sa isyung kinasasangkutan ngayon ng kanyang running mate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Inihayag ito ni Cayetano sa naganap na vice-presidential debate ngayong gabi, April 17, sa ABS-CBN.

Ayon kay Cayetano, kilala raw niya na may respeto sa kababaihan ang kontrobersiyal na presidential candidate.

CAYETANO REACTS. Sa debate ay sinabi ni Cayetano na magbibigay naman ng sariling pahayag si Duterte tungkol sa kontrobersyal na isyu.

Gayunpaman, sinabi rin nito na alam niya na tagasuporta si Duterte ng mga kababaihan, at may mga programa pa nga ito sa Davao para sa grupong ito.

Pahayag ni Cayetano, “It’s not about defense. He will make a statement. I know him.

“Maybe I’m not the best person to ask because I know he’s an advocate for women.

Continue reading below ↓

“Ang siyudad niya lang ang may women’s code. Ang siyudad niya lang ang bawal na may bathing suit sa may beauty contest.

“Sa kuwento na ‘yan, I don’t know why nagkaganon, but he offered himself as a hostage, pagkatapos ni-rape at pinatay. Siya lang ang taong lumalaban ng tunay para sa bata, matanda, babae.

“Having said that, he will explain bakit ganun.”

Kahapon, April 16, may kumalat na video na kuha mula sa isang sa mga campaign sorties ni Duterte. Dito ay ipinakitang nagbiro ang alkalde tungkol sa isang Australian missionary na ginahasa at pinatay sa Davao noong 1989.

DUTERTE'S JOKE. Kinukuwento ni Duterte ang isang hostage mission na pinamunuan niya noon, kung saan isa sa mga dapat nilang mailigtas ay ang nasabing babaeng Australian.

Saad ni Duterte sa video, “Ni-rape nila lahat ng mga babae so yung unang asolte, kasi nag-retreat sila, naiwan yung ginawa nilang cover, ang isa doon yung layminister na Australyana.

Continue reading below ↓

“Tsk, problema na ito. Pag labas, e di binalot. Tiningnan ko yung mukha, 't***ina parang artista sa America na maganda.

“P***ng ina, sayang ito. Ang nagpasok sa isip ko, ni-rape nila, pinagpilahan nila doon. Nagalit ako kasi ni-rape, oo isa rin 'yun . Pero napakaganda, dapat ang mayor muna ang mauna. Sayang.”

Marami nang netizen na nag-react sa video para sabihing “tasteless” umano ang biro ni Duterte. May mga nagpahayag pa nga nang pagkadismaya at nagsasabing hindi na nila siya iboboto.

WATCH: Rodrigo Duterte jokes about Australian rape victim

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Vice presidential candidate Alan Peter Cayetano defends running mate and Davao mayor Rodrigo Duterte, who drew flak after cracking a joke about an Australian rape victim. Currently making its rounds on social media, the viral video taken from one of hi
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results