EXCLUSIVE: PEP and GMA News visit last taping day of "Asian Treasures"


Angel Locsin and Diana Zubiri (inset) enjoy themselves like little girls while scooping ice cream in Luneta Park, the location of Asian Treasures' last taping day.


Magkahalong tuwa't saya ang last taping day ng Asian Treasures kahapon, June 27. Nakapunta ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at GMA News sa location nito sa Rizal Park, Roxas Boulevard.

Sa kuwento ni Robin Padilla, hindi raw biro ang ginawa nilang stunts sa nasabing telenovela. Naroon ang pasakayin sila at makipaghabulan sa mga elepante sa Thailand. Pati na bumitin sa isang helicopter at mag-rapelling ay ginawa na rin nila.

"Yung mga stunts kasi, pinilit lang naman namin na ilagay sa TV, pero pang-pelikula talaga siya. Salamat na lang at gumastos ang GMA-7 para pagandahin ang Asian Treasures," sabi ni Binoe.

Nakakapagod daw na gawin ang Asian Treasures kaya't sana raw ay ibang level naman ang ipagawa kay Robin sa susunod niyang assignment sa Kapuso Network.

Pero nalulungkot daw ang action star dahil napalapit na siya sa mga nakasama niya sa Asian Treasures, mula raw sa mga co-stars niya hanggang sa mga crew na nagtiis ng ulan at araw para mapaganda ang produksiyon.

Hindi naman makakalimutan ni Diana Zubiri ang kanyang pagganap sa Asian Treasures. Ito raw ang kauna-unahang action-packed acting piece niya. Iba raw kasi ang mga fight scenes niya sa Encantadia dati.

"Sa Encantadia kasi pambata ang mga action scenes ko. Dito kasi natutunan ko ang mag-tumbling na may hawak na mga totoong baril kaya parang hardcore action na talaga," kuwento ni Diana.

Tuwang tuwa naman si Angel Locsin habang naglalakad kami sa Luneta Park. Ilang ulit pa itong napahiyaw na nasa Luneta na siya. Bata pa raw kasi siya nang huli siyang nakapasyal doon.

Parang bata namang naglaro sina Diana at Angel nang makakita ng isang kariton ng ice cream sa park. Naghahagikhikan at palihim pang kumuha ang dalawa ng sorbetes habang nagre-rehersal ang kanilang co-stars.

Ayaw pa ring magpa-interview ni Angel tungkol sa kahit anong isyu. Iwas-intriga muna raw kasi si Angel dahil labis na ikinasama ng kanyang loob ang mga paninira tungkol sa kanya nitong mga huling araw. Pero nangako ang manager niyang si Becky Aguila na magsasalita sila sa tamang panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magtatapos ngayong Biyernes, June 29, ang Asian Treasures sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN