Star Magic talent Gian Sotto willing to go sexy, but his wife won't let him


"Puwedeng pag-usapan ‘yon. Sabi ko nga sa wife ko, kayang-kaya kong mag-frontal nudity, pero ayaw niya akong payagan!" jokes Gian Sotto when asked if he is willing to go sexy in his future projects.


May dating at maganda ang katawan ni Gian Sotto. Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nag-iisang anak na lalaki nina former Senator Tito Sotto at Helen Gamboa kung handa ba siyang sumabak sa mga sexy roles ngayong full blast na siya sa pag-aartista bilang member ng Star Magic ng ABS-CBN.

"Sexy na ako, e!" tawa niya. "Loko lang. Puwedeng pag-usapan ‘yon. Sabi ko nga sa wife ko, kayang-kaya kong mag-frontal nudity, pero ayaw niya akong payagan!"

Bakit ayaw siyang payagan?

"Ewan ko, ayaw niyang pumayag, e! Actually, simula nung nagpakasal kami, hindi na puwede," natatawang sabi ni Gian.

Almost one year na silang kasal ng asawa niyang si Joy Woolbright na isang Cebuana. "She's a model, pero buntis siya ngayon. So right now, businesswoman siya," dagdag na impormasyon ni Gian tungkol sa kanyang misis.

What made him decide na huwag itago ang marriage niya? Kasi, 'yung ibang nagsisimula pa lang sa showbiz ay itinatago ang marital status nila.

"Para sa akin po, open po talaga, kasi ayoko ng may itinatago sa public. Hindi naman kaso ‘yon kung... Masaya naman po ako sa asawa ko. Para sa akin, hindi siya hindrance. It's more of a challenge and an inspiration," paliwanag ni Gian.

Samantala, ready na rin si Gian sa mga intriga at puna sa showbiz, pati na rin ang mga dapat niyang matutunan.

"For me, ang iniisip ko lang po is pagiging open sa lahat ng criticisms kasi gusto kong matuto talaga, e. Alam ko, marami pa kong kakaining bigas para matuto sa acting, kaya sa ngayon po, wala muna akong ine-expect. Ang ine-expect ko lang po is matuto," sabi niya.

May chance kayang mapanood si Gian sa Wowowee? Alam nating lahat na ang kanyang ama na si Tito Sotto ay host ng Eat Bulaga! na direct competition ng show ni Willie Revillame.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede," sagot niya. "Walang conflict ‘yon. Kaibigan din kasi ni Daddy si Willie. Naggu-golf sila dati. Binibigyan pa ako dati ni Kuya Willie ng advice sa pagpapakasal, e. 'Yung competition nila, sa show lang ‘yon, magkaibigan sila."

Aside from acting, isa ring singer si Gian. Siya ang vocalist ng bandang Nerveline.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN