Is love in the air between PBB housemates Bodie Cruz and Gee-Ann Abrahan?


When asked by Kuya to choose between the photos of Bodie Cruz (left) and Mickey Perz, Gee-Ann Abrahan (right) raised the photo of Bodie. Is this an indication that Gee-Ann likes Bodie better than Mickey?



Pasimuno ba si Kuya para magkaroon ng romansa inside the Pinoy Big Brother (PBB) house sina Bodie Cruz at Gee-Ann Abrahan, o isang love triangle sa kanilang tatlo naman ni Mickey Perz?

Almost one week na kasing tinatanong ni Kuya si Bodie kung gusto nitong ligawan si Gee-Ann. Pero sagot ni Bodie, if ever gusto niyang gawin iyon, kapag nasa labas na sila ng PBB house. Bilang parusa o task kay Bodie, hindi niya puwedeng kausapin o tingnan man lamang si Gee-Ann.

Sa confession room, tinanong naman ni Kuya si Gee-Ann kung sino ba kina Bodie at Mickey ang gusto niya. Noong una, ayaw sumagot ni Gee-Ann, parang kapatid lang daw kasi niya sina Mickey at Bodie. Pero nang papiliin siya ni Kuya—sa pamamagitan ng pagtaas ng pictures nina Mickey at Bodie—kung sino ang mas gusto niya sa dalawa, ang itinaas ni Gee-Ann ay ang picture ni Bodie.

Dahil sa ibinigay na task kay Bodie, hindi niya talaga tiningnan at kinausap si Gee-Ann, na takang-taka naman kung bakit tuwing lalapitan niya si Bodie ay nakatakip ang braso nito sa mga mata at ayaw rin siyang kibuin.

Samantala, tinext ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lyn Ynchausti Cruz, ang ina ni Bodie, at tinanong namin kung pabor ba siya kung manliligaw si Bodie kay Gee-Ann kapag nakalabas na sila sa Bahay ni Kuya.

Ito ang sagot niya: "Hindi kami puwedeng makialam sa mga anak namin pagdating sa puso. Besides, Bodie is already 21, right age to fall in love. Kung sakali, ang alam ko, iyon ang magiging first love niya. Nag-concentrate kasi sa studies niya si Bodie. Pagka-graduate niya sa La Salle, nagtrabaho na siya. Kaya late na yatang dumating ang pagtibok ng puso ng anak ko."

From Lyn, nalaman din ng PEP na parang coincidence na nagkakilala na ang asawa niyang si Tirso Cruz III at ang ama ni Gee-Ann na si Franklin Abrahan noong 1981 pa. Naglaro kasi noon si Pip ng isang charity basketball game sa Philippine Christian University at naglaro rin doon si Mr. Abrahan. Pareho pang walang Bodie at Gee-Ann noon dahil September 8, 1985 nang isilang ni Lyn si Bodie, at si Gee-Ann naman ay isinilang ng kanyang mommy on November 1985.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga fans nang gusto sina Bodie at Gee-Ann, pero nagagalit naman ang mga fans na maka-Gee-Ann at Mickey. Hihintayin na lamang ng PEP kung sino nga kina Bodie at Mickey ang talagang magugustuhan ni Gee-Ann paglabas nila sa bahay o kung matatapos na rin ang kanilang samahan.

Makakasama pa rin kaya silang tatlo sa Big Night ng PBB sa Araneta Coliseum sa Sabado, June 30?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN