Beth Tamayo resorts to in vitro fertilization to get pregnant


"I told my doctor to be honest with me regarding in vitro. I want to know kung gaano siya ka-effective for me to conceive a baby. Sabi niya na hindi niya masabi kasi depende sa epekto nito sa katawan ng nagpapa-in vitro... So it's not that all proven na effective. But still, I'm taking the risk," says Beth Tamayo about in vitro fertilization.


Nakakadagdag pala ng pressure para sa aktres na si Beth Tamayo kapag tinatanong siya parati kung kailan siya magbubuntis.



Inamin ni Beth na reproductively-challenged siya dahil matagal na nga nilang hinihintay ng mister niyang si Johnny Wong na magkaroon sila ng sarili nilang baby.



Two years na raw silang sumusubok na magkaroon ng baby, pero up to now ay wala pa raw nangyayari. Kaya may sinusubukan silang ibang method at ito ay ang tinatawag na in vitro fertilization. Ayon sa wikipedia, ang in vitro fertilization is "a technique in which egg cells are fertilized by sperm outside the woman's womb."

"I've been on it for two months already. Hindi ko pa alam kung ano ang nagiging progress ko. Basta tuluy-tuloy ang pag-inject sa akin ni Johnny ng hormones. Minsan nga, nagtatawanan kami kasi kapag time na kailangang turukan niya ako, sinasabi ko na para akong drug addict sa dami na ng turok sa akin!" natatawang kuwento ni Beth sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng Mga Mata Ni Anghelita last June 25.

Inamin ni Beth na nagkaroon siya ng miscarriage three years ago kaya alam niya na kaya niyang makabuo ng bata. Pero pumayag siya na dumaan sa in vitro para na rin sa kanyang mister na malaki ang agwat ng edad sa kanya.



"Marami nga ang nagsasabi na I'm just thirty years old," sabi ni Beth. "Kaya ko pang magbuntis in a normal way. Pero iniisip ko rin 'yung mister ko. He's not getting any younger. Gusto ko naman na ma-enjoy niyang makipaglaro sa magiging baby namin.



"Johnny kasi loves kids at nakikita ko ‘yan in the way he bonds with his two sons from his first marriage. Nakakatuwa silang tingnan na mag-aama kaya gusto ko na maabutan siya ng magiging baby namin na malakas pa. Baka kasi uugod-ugod na si Johnny, e, paano pa siya makikipaghabulan at makikipaglaro sa anak namin, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May nag-advice din naman sa amin na wala naming problema if we go through the in vitro method. Since nag-suffer ako ng miscarriage, there's a slim chance na puwede akong mabuntis agad. Mangyayari ngang mabuntis ako, pero it would take a long time. Kaya I'm taking the risk."



Alam din ni Beth na 50-50 din ang chance na maging successful ang in vitro fertilization.



"I told my doctor to be honest with me regarding in vitro. I want to know kung gaano siya ka-effective for me to conceive a baby. Sabi niya na hindi niya masabi kasi depende sa epekto nito sa katawan ng nagpapa-in vitro. May mga successful at meron ding hindi.



"So it's not that all proven na effective. But still, I'm taking the risk. Kung maging successful, then we are thankful. If not, we will still thank the Lord. We can always try again naman," pahayag ng aktres.



Balik ulit sa pag-arte sa soap drama si Beth. Kasama siya sa big cast ng Mga Mata Ni Anghelita ng GMA-7. Ito ang first primetime soap drama ni Beth sa GMA-7 after kunin ang serbisyo niya sa afternoon drama na Now & Forever Presents Ganti at sa telefantasya na Fantastic Man.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN