Two celebrities back out from "U Can Dance"


Jeni Hernandez (left) and Cherry Lou (right) reportedly backed out at the last minute as celebrity contestants of ABS-CBN's celebrity dance show.


Akala namin ay kumpleto na ang list of celebrities na magku-compete sa second season ng U Can Dance, ang celebrity dance show ng ABS-CBN hosted by Iya Villania and Derek Ramsey. Noong press con kasi para sa nasabing celebrity dance competition ay ipinakilala na sa entertainment press ang mga celebrities na lalahok.



Pero from an ABS-CBN insider ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na may dalawang female celebrities pala na sa last minute ay nag-backout sa show. Ikinagulat nga rin daw ng buong staff dahil halos plantsado na ang list of stars nila.



Ang dalawang female celebrities na nag-backout ay sina Jeni Hernandez at Cherry Lou. Both are ABS-CBN stars. Pero magkaiba raw ang kaso ng dalawa.

Sa kaso ni Cherry Lou, mas acceptable daw at naintindihan ng production ang bigla niyang pagba-backout. Due to health reason daw kasi na tila na-discover lang ni Cherry Lou after na mag-audition, makapasa at mai-line-up as contestant.



Pero tungkol naman kay Jeni, "nawindang" ang mga staff dahil bigla-biglaan na lang daw itong nagpasabi na hindi na siya pupuwedeng tumuloy as celebrity contestant a few days before na i-annonuce na kung sino ang mga kasali. Ni wala rin daw itong ipinarating na rason kung bakit ito biglaang nag-backout.



Anyway, mukhang hindi naman naapektuhan ang line-up ng mga celebritiy contestants dahil may ipinalit na lang sa dalawa na hindi nakapasa noong una sa panlasa ng mga jurors noong audition. At sa kabuuan, 11 female celebrities out of 15 contestants ang magko-compete sa second season ng U Can Dance.



Ang kumpletong listahan ng mga celebrity contestants ay sina Cassandra Ponti and Saicy Aguila (Pinoy Big Brother ex-housemates), Gem Ramos (sister of South Border's Duncan Ramos), Jaymee Joaquin (Bora girl and Sharon co-host), Michelle Muranach and Gemma Fitzgerald (Pinoy Dream Academy scholars), Dianne Medina (Gokada mainstay), Paw Diaz and Raphael Martinez (Star Circle Quest graduates), Sheree and Jaycee Parker (Viva Hot Babes), Princess Ryan, Rodjun Cruz, Tim Espinosa, Thou Reyes (formerly Joseph Reyes, Ang TV Kid).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN