Bruce Quebral has yet to receive his due from Slovenia fund drive


While inside the Slovenian Big Brother house, Pinoy Big Brother housemate Bruce Quebral signed 100 t-shirts that were auctioned as part of a fund drive for him. But, until now, Bruce has yet to receive his due.


Hindi pa nakukuha ng Pinoy Big Brother (PBB) ex-housemate na si Bruce Quebral ang proceeds sa pagbebenta ng mga t-shirt na ginawa niya bago siya umalis sa Slovenian Big Brother (SBB).

Nag-hit si Bruce sa mga Slovenian viewers nang nag-exchange housemates ang dalawang bahay noon. Si Bruce ang ipinadala sa SBB at si Tina Semolic naman sa PBB.

Maraming naantig sa kuwento ni Bruce noon na dahil siya ang panganay na lalaki sa pamilya nila, nang yumao ang kanyang ama, siya na rin ang tumayong ama para maitaguyod ang pamilya niya.

Bago siya bumalik sa Pilipinas, nag-request ang mga SBB viewers kung paano makakatulong kay Bruce. It was suggested na magpa-fund drive siya ng mga signed t-shirts.

One hundred shirts were signed by Bruce with ten of it, may special dedication. Iu-auction ito sa highest bidders with all the proceeds ilalagay sa kanyang bank account.

Pagkalabas ni Bruce sa Bahay ni Kuya early last week, ito agad ang tinanong namin kung magkano ang naging total proceeds ng t-shirt auction niya. Wala pa raw siyang nakukuha. Wala pa raw kumu-contact sa kanya kung paano niya makukuha ang pera.

Hindi niya naman daw ito inaasahan in the first place dahil at that time, pinapirma lang siya ng mga t-shirts habang nasa loob ng bahay. Hindi niya nga alam na iu-auction ito para makatulong sa kanya.

Kung maibigay raw ito sa kanya, salamat. Kung hindi, okay lang din, sabi ni Bruce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN