TV host Katkat de Castro disclaims hearsay of affair with co-host


TV host and vice presidential daughter Katkat de Castro denies rumors that she is having an affair with her Trip Na Trip co-host Franzen Fajardo.



Sa wakas ay binasag na rin ng pangalawang anak ni Vice President Noli de Castro na si Katherine "Katkat" de Castro ang kanyang katahimikan tungkol sa lumabas na balita noon na may relasyon sila diumano ng co-host niya sa travel show na Trip na Trip na si Franzen Fajardo. May lumabas din na balitang isa si Katkat sa pinagselosan ng misis ni Franzen na isa mga naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.



"Hindi ko siya type!" nakangiting pahayag ni Katkat patungkol kay Franzen. "We're all just friends sa show namin. Masaya kami na magkakasama. Actually, sa kanila nina Jason [Gainza], Uma [Khouny], and Franzen, pinaka-close ako kay Uma."



Paano kung sila ni Uma ang matsismis?



"Naku, okay lang kahit matsismis ako sa kanya," sagot ni Katkat.



Sa nakaraang presscon ng Bayan Productions para sa mga programa nila sa ABS-CBN na Trip na Trip, Kabuhayang Swak na Swak, at Urban Zone, kapansin-pansin ang hindi pagdating ni Franzen.



"May taping kasi si Franzen. But he will still be part of the show. In fact, nakapag-shoot na nga kami ng ilang episodes for the fourth season at kasama po siya doon," paliwanag ni Katkat.



Pawang mga ex-Pinoy Big Brother (PBB) housemates ang co-host ni Katkat sa Trip na Trip. Ngayong tapos na ang PBB Season 2, may balak ba ang Bayan Productions na kumuha ng bagong housemate para isama sa show?



"Si Nel [Rapiza], gusto naming kunin. Makikipag-meeting ako kay Direk Lauren [Dyogi] para kay Nel," sabi ni Katkat.



Mabilis na nilinaw ni Katkat na sa pagkuha kay Nel ay walang aalisin sa show.

"Gusto ko lang subukan si Nel na makasama sa programa kung kaya niyang harapin ang bagong hamon ng mga trippers. Kasama pa rin namin si Franzen sa show kahit nandun si Nel," paglilinaw niya.

Busing-busy si Katkat lalo na sa pagpapatakbo ng Bayan Productions. Si Katkat ang bagong presidente ngayon ng Bayan Productions na pinangunahan at binuo ng kanyang mga magulang na sina Noli at Arlene de Castro. Pero never daw niyang napabayaan ang kanyang sariling pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun talaga, kailangan kong magtrabaho para mapakain ko ang anak ko, di ba? 'Tsaka hindi naman forever dependent ako sa parents ko. Sinusuwelduhan ako sa Bayan Productions. So I guess, kailangan kong i-live up 'yung sweldo nila sa akin," aniya.



Naging usap-usapan din ang pagsasama ni Katkat at ng kanyang non-celebrity na mister.



"Okay naman kami. We are partners in raising up our daughter," matipid niyang sabi,

Pero wala na bang intimacy and romance ang relasyon nila?



"Meron naman. Meron pa rin," sagot niya. "Actually, pinagseselosan si Uma ng asawa ko. Kasi mas maraming beses pa raw na kasama ko si Uma. Mas maraming beses pa kasi na kasama ko 'yung mga trippers [tawag niya sa co-hosts niya sa show]. Pero in the end, nakikita niya na masaya ako. It makes me happy."

Ano naman ang sinabi ng mister niya sa tsismis sa kanila ni Franzen?

"Natawa lang siya kasi alam naman niya na hindi ako papatol sa ganun. Hello naman! At hindi po totoo na naghiwalay na kami ng asawa ko. Kami pa rin," giit niya.

Sa ngayon, isa pa lang daw ang anak nina Kat at ng mister niya.

"Saka na sundan kapag milyonarya na!" biro ni Katkat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN