Robin Padilla urges people to use "kulambo" to prevent malaria


Robin Padilla uses his screen popularity to advance a worthy cause—the Movement Against Malaria. "Kasi noong araw naman ay gumagamit naman talaga tayo ng kulambo, kaya nga may expression na 'outside the kulambo.' Siguro dapat ibalik natin ang paggamit ng kulambo. Nakalimutan na natin kasi high-tech na tayo. Pero sana ay maibalik ito."



Walang bayad si Robin Padilla sa kanyang pagsuporta sa Movement Against Malaria (MAM). Dumalo ang action star sa Media Orientation and Engagement ng MAM na ginanap kahapon, July 4, sa Manila Golf Club, Forbes Park, Makati City. Ito ang ikalawang pagkakataon na sinuportahan ni Robin ang proyekto ng Movement Against Malaria.

Bukod sa paghahandog ng kanyang image para magkaroon ng mukha ang campaign, isinusulong ni Robin ang paggamit ng kulambo para sa ating mga kababayan.

"Matagal na akong sumusuporta sa mga bagay na ganito. Hindi na bago sa akin ang ganitong project. Basta may kinalaman sa mga kapuspalad nating mga kababayan, lagi akong nariyan," wika ng action star nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Matagal na ang problema sa malaria ng Pilipinas at gusto ni Robin na maging aware ang mga Pinoy na ang isang mabisang protection para labanan ito ay ang paggamit ng kulambo.

"Kailangan natin maiparating sa mga tao ang tamang impormasyon kung paano sila makakaiwas sa sakit na ito," sabi pa ni Robin. "Gusto ko sana manawagan sa mga networks na sana, kung puwede lang naman, ay mailagay sa kanilang mga istorya ang paggamit ng kulambo.

"Kasi noong araw naman ay gumagamit naman talaga tayo ng kulambo, kaya nga may expression na 'outside the kulambo.' Siguro dapat ibalik natin ang paggamit ng kulambo. Nakalimutan na natin kasi high-tech na tayo. Pero sana ay maibalik ito," wika pa ng action star.

Ayon pa kay Robin, ang pagsuporta niya sa advocacy na Movement Against Malaria ay bahagi ng kanyang ipinaglalaban na karapatan sa edukasyon, kapayapaan, at kalusugan, hindi lang para sa mga Muslim brothers niya kundi para rin sa lahat ng Pilipino.

"Kung walang kapayapaan, pangit ang kalusugan. Kung may kapayapaan pero walang kalusugan at walang edukasyon, wala rin. Kaya po tayo ay talagang nakabantay at nakasuporta sa bagay na ito," sabi pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

On another note, pahinga muna si Robin sa paggawa ng teleserye. Uunahin muna niya ang paggawa ng pelikula. Bukas, July 5, nakatakdang magkaroon ng story conference ang pelikulang pagsasamahan ng action star at ng Megastar na si Sharon Cuneta under GMA Films. Ito ay ididirek ni Jose Javier Reyes.

Gusto rin munang magbakasyon si Robin kahit na sampung araw lang. Nakatakda siyang umalis patungong Turkey sa July 10 para dumalo sa isang seminar na may kaugnayan sa eskuwelahan na kanyang itinayo. Kasama niyang aalis ang dalawa niyang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN