Melissa Ricks ignores tabloid gossip that she's prima donna on "Pedro Penduko" set


"Sanay na naman ako sa mga intriga sa akin, kaya hindi talaga ako nasaktan o naapektuhan nang mabasa ko 'yung negative write-up na 'yon sa akin. Deadma lang ako," says Melissa Ricks about hearsay that she throws her weight around on the set of Pedro Penduko at ang Mga Engkantao.



Naisulat sa isang tabloid na "feeling sikat" at "nagpi-prima donna" diumano sa set ng Pedro Penduko at ang Mga Engkantao ng ABS-CBN ang young actress na si Melissa Ricks. Pero mariin naman itong pinabulaanan ng Star Circle Quest graduate nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, July 5, sa Starbucks Greenhills.

"Hindi ako nag-iinarte o nagpi-prima donna sa set ng Pedro Penduko. Kahit magtanong pa kayo sa staff ng show namin," depensa ni Melissa.

Nabasa raw mismo ni Melissa ang artikulo tungkol sa kanya, pero hindi naman daw siya naapektuhan.

"Sanay na naman ako sa mga intriga sa akin, kaya hindi talaga ako nasaktan o naapektuhan nang mabasa ko 'yung negative write-up na 'yon sa akin. Deadma lang ako," pahayag niya.

Aminado naman si Melissa na noong bago pa lang siya sa showbiz ay nasasaktan siya agad kapag iniintriga siya.

"'Yung intriga po sa akin dati, na kaya raw po ako tinanggal sa Ang Panday bilang leading lady ni Jericho [Rosales] ay dahil hindi naman daw ako marunong umarte, iniyakan ko talaga 'yon. Sobra talaga akong nasaktan. Hindi naman kasi 'yon totoo.

"Gaya nga po ng sinabi ko noon, ang talagang reason kung bakit tinanggal ako doon ay dahil napakabata ko pa para maging kapareha ni Jericho. Mag-asawa kasi ang role namin doon, e, hindi naman ako puwede sa kissing scene. Kasi that time, I was only fifteen, di ba? Kaya si Heart Evangelista na lang ang pinalit sa akin," sabi ng 17-year-old na ngayong si Melissa.

Nilinaw rin ni Melissa sa PEP na walang katotohanan na nanliligaw sa kanya ang racer-young actor na si Matteo Guidicelli.

"Wala nga kaming communication, e, kaya paano siyang makapanliligaw sa akin?" nagtatakang sabi ni Melissa.

Paano ba nagsimula na ma-link sila ni Matteo?

"Sinabi ko kasi noon, nung model pa siya ng Penshoppe, na crush ko siya. Kasi nga talagang ang guwapo ng face niya, di ba?" sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong sixteen ako, ni-request ko siya na mag-guest sa birthday ko. Noong nag-seventeen naman ako, nagbigay siya ng message sa akin sa birthday celebration ko sa ASAP. Kaya ayun na-link na kami. Akala ng mga tao, nanliligaw siya sa akin. Pero sabi ko nga, e, hindi naman."

Wala raw nanliligaw ngayon kay Melissa.

"Mabuti na rin 'yon na wala munang manliligaw sa akin para makapag-concentrate ako sa career ko. Mahirap din kasi ang may boyfriend, mahahati ang atensiyon mo, di ba?

"Happy naman ako kahit wala akong boyfriend. Love can wait. I'm still young pa naman, e," pagtatapos na niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN