Richard Gutierrez defends Angel Locsin, Ricky Reyes offers her advice


Embattled young actress Angel Locsin reportedly visited screen partner Richard Gutirrez (inset, top) and GMA-7 lady executive Wilma Galvante (inset, middle) a night before flying to the United States. Beauty expert Ricky Reyes (inset, below).



Proud at masaya si Richard Gutierrez nang makita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at GMA News noong Sabado, June 7, sa Conspiracy Bar sa Visayas Avenue para sa launching niya bilang isa sa mga spokesperson ng Greenpeace Movement.

Pero tila nag-iba ang mood ng matinee idol nang tanungin namin tungkol sa kanyang ka-loveteam na si Angel Locsin.

Hindi naitago ni Richard ang pag-aalala para sa dalaga. Alam niya ang mga balita at paninirang nagkalat na ngayo'y iniinda ni Angel.

"For me, huwag natin siyang i-judge. Angel is such a sweet girl, she's very nice. Let's not judge her," pakiusap ni Richard.

"Sa mga taong naninira sa kanya, tigilan n'yo na. Kasi Angel needs to rest, she needs to unwind. Mga artista kami, napapagod din kami."

Isa si Richard sa mga taong dinalaw ni Angel isang araw bago ito tumungo papuntang US. Pinuntahan daw siya ng dalaga noong Huwebes, July 5, sa set ng Lupin.

"I don't take credit for that kasi nung bumisita si Angel sa set, binisita niya lahat. I guess she wanted to say goodbye before she leaves the country," sabi ni Richard.

PRIVATE DINNER. Nakausap din namin si Ricky Reyes sa 7-7-7 launching ng kanyang Gandang Ricky Reyes Salon sa Greenhills Shopping Center noong Sabado, July 7, ng umaga.

Naikuwento ni Mother Ricky ang huli nilang pagkikita ni Angel, na isa sa endorsers ng Ricky Reyes Salon, bago ito umalis papuntang US.

Nag-dinner daw siya kasama ng ilang malalapit na kaibigan sa tahanan ng GMA-7 SVP for Entertainment TV na si Ms. Wilma Galvante noong Huwebes ng gabi, July 5.

Bandang alas-onse daw ay tumawag si Angel at nakiusap kay Ma'am Wilma kung puwede siyang bumisita. Nang pumayag ang lady executive, ilang minuto pa ay naroon na raw si Angel.

Naging madamdamin daw ang pagkikita nina Ms. Wilma at Angel, ayon kay Mother Ricky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know Wilma, nanay kasi siya ng lahat and she has to hear everyone. So nung dumating siya [Angel], nakipag-usap siya, nagyakapan at nag-iyakan pa nga silang dalawa. She said [to Angel], if you want to have a career move, kung gusto mong magpahinga, give her space because Wilma also understands she already worked very hard," kuwento ni Mother Ricky.

Sa panayam naman ni Ms. Wilma kahapon sa GMA News Entertainment Reporter na si Aubrey Carampel, sinabi nitong kung anong pribadong usapan daw ang nangyari at napag-usapan sa dinner na ‘yon ay mananatiling pribado. Hindi rin sumagot si Ms. Wilma tungkol sa tsismis na aalis si Angel sa Kapuso Network.



MOTHER'S ADVICE. Naging open naman si Mother Ricky sa advice na ibinigay niya kay Angel bago ito umalis.

Sinabihan daw ng beauty expert ang kanyang endorser na sana'y pag-isipan ang mga hakbang na gagawin niya tungkol sa kanyang career. Sana raw ay huwag nang lumipat si Angel sa ibang network.

"When she goes to Channel 2, dadaan siya sa butas ng karayom. Maraming prinsesa dun. Nandun si Claudine Barretto, Judy Ann Santos, Kristine Hermosa, at marami pang iba. Marami siyang mga prinsesang daraanan. Pero sa Channel 7, let's face it, siya na ang prinsesa," sabi ni Mother Ricky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN