GMA-7 introduces comedy-reality theme via "Kung Ako Ikaw"


Keempee de Leon (left) and Joey Marquez (right) are the hosts of GMA-7's new comedy-reality show Kung Ako Ikaw.


Taliwas sa mga unang ispekulasyon, si Joey Marquez ang makakasama ni Keempee de Leon at hindi ang ama niyang si Joey de Leon sa bagong comedy-reality show na Kung Ako Ikaw.

Sa press conference ng Kung Ako Ikaw kanina, July 11, sa Marina restaurant ay naipaliwanag na papalitan ng nasabing show ang Monday to Wednesdays KiliTV programs—ang nakaka-one season pa lang na Who's Your Daddy Now?, Bahay Mo Ba 'To?, at Nuts Entertainment Just 4 Play. Bagama't hindi mawawala ang Nuts Entertainment tulad ng Who's Your Daddy Now? at Bahay Mo Ba 'To?, ililipat naman ito sa timeslot ng HP: Highest Level Na, na napapanood tuwing Sabado.

Magsisimula ang Kung Ako Ikaw sa darating na Lunes, July 16, pagkatapos ng GMA Telebabad. Mapapanood ito mula Lunes hanggang Miyerkules. Tuwing Miyerkules ay live ang programa at dito iaanunsiyo ang nanalong celebrity.

FROM SITCOM TO COMEDY-REALITY. Masasabing isang bagong konsepto na naman ang ipinakikilala ngayon ng GMA-7 sa bagong programang Kung Ako Ikaw.

Ayon sa isa sa dalawang program managers na si Bang Arespacochaga, magkahalong reality at comedy ang kalalabasan ng bagong programa. Paliwanag niya, "Reality kasi maraming mga kilalang celebrities na gaganap ng mga gawain ng ordinaryong tao."

Sa Kung Ako Ikaw, mamimili ang staff ng itatampok na ordinaryong trabaho—kargador, tagahuli na palaka, at iba pa—na gagampanan naman ng mga mapipiling artista.

Sa loob ng tatlong araw magiging "Bisor" ang tao na may ordinaryong trabaho na magtuturo kung paano gagawin ang trabaho sa mga artista na magiging "manggagawa." Pipiliin ang mananalo sa ikatlong araw sa pamamagitan ng text votes at sa pasya ng "Bisor" kung sino ang mas nakagawa ng mahusay sa trabaho.

Para sa isa pang program manager na si Redgie Magno, "It's not pure reality, may fun element 'to kaya comedy-reality. Kasi ‘in' ngayon ang mga reality [shows], di ba, so we're trying something different.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This is not a challenge, it's parang display of 'yung skills, 'yung performance, kung paanong 'yung best na maipapakita 'yung gawaing iyon."

Ibig sabihin kaya nito ay unti-unti nang mawawala ang mga nakasanayan na sitcom?

"We're just addressing our audience preference kasi iba ang trend ngayon, e. Pero hindi pa rin mawawala ang comedy, balang araw babalik pa rin po ang sitcom kung iyon ang hinihingi ng audience, kung may clamor para ibalik ang sitcom," sagot ni Marivin Arayata, GMA-7's vice president for entertainment TV.

Samantala, tinanong naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Arespacochaga kung bakit biglaan ang pagkawala ng Who's Your Daddy Now? at Bahay Mo Ba 'To, agad na sinagot niya na, "Di lang kami gumawa ng final episodes kasi, unang-una, marami kaming advances kasi advance mag-taping sa mga sitcoms, e.

"When we decided to launch, madami na kaming nakabangko. But, actually, we don't wanna end it kasi it can come back anytime. So we're still looking forward to that now."

Kaugnay nito, umaasa naman si Keempee, isa sa mga main cast ng Bahay Mo Ba 'To?, na maibabalik balang araw ang nasabing sitcom. Aniya, "There's possibility [na maibalik ang show]. Sabi nga ng mga boss namin, hindi naman mawawala 'yong mga sitcoms, we're just going to the trend right now na reality-based.

"Ang sitcom anytime pwede naman ibalik iyan. Iyong Bahay Mo Ba 'To?, I'm still hoping na ibalik iyon, so okay naman. Sabi naman nila, may possibility na ibalik pa rin naman."

Sa unang episode ng Kung Ako Ikaw, ang celebrity guests nila ay sina Rustom Padilla at John "Sweet" Lapus na susubukang maging kargador sa isang magdamag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN