Dina Bonnevie stays off ex-hubby Vic Sotto's affairs


"Ay, ayokong makialam kay Papa Vic! Ayokong mag-comment kasi hindi talaga ko nakikialam sa lovelife ni Vic. I really, really wish Vic the very best,"says Dina Bonnevie about the affairs of her ex-husband Vic Sotto (left). She also comments on her son Oyo Sotto's (right) lovelife.



Nasa kanyang usual self pa rin ang aktres na si Dina Bonnevie nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kabila ng kagagaling niya lang sa karamdaman. Very witty pa rin siya at laging ready sa pagsagot sa mga tanong na ibinabato sa kanya sa presscon ng bagong Sine Serye ng ABS-CBN na Natutulog Ba ang Diyos?..



Isa sa mga tanong kay Ms. D ay tungkol sa romantic relationship ng anak niyang si Oyo Sotto. Iba-iba kasi ang naglalabasang balita tungkol kay Oyo at sa mga babaeng nail-link sa kanya.

Isa na nga rito ay pagbabalikan diumano nina Oyo at Anne Curtis.



"Actually, I asked him [Oyo]," sabi ni Dina. "Sabi naman niya, hindi naman daw. Kasi, di ba, it's Anne and Sam [Milby]? So, I don't know kung ano ang totoo. Kung nagkabalikan sila, e, di kung saan maligaya ang anak ko.



"Anyway, it's a known fact naman na ang first love ni Oyo is really Anne. And Anne's first love naman is Oyo and like the saying goes, first love never dies. Pero magkaganunman, I can still see, Angel [Locsin] still calls a lot. Nag-uusap pa rin sila. She even joins us in church. So, parang ako, ‘O, akala ko ba break na kayo ni Angel? Bakit sumasama pa rin siya sa atin?' Wala lang...ang haba talaga ng hair ng anak ko!" natatawang kuwento ng aktres.



Tinanong din si Ms. D kung ano naman ang komento niya sa balitang nagkakalabuan na raw ang ex-husband niyang si Vic Sotto at si Pia Guanio.

"Ay, ayokong makialam kay Papa Vic!" sabi ni Dina. "Ayokong mag-comment kasi hindi talaga ko nakikialam sa lovelife ni Vic. I really, really wish Vic the very best. And I have always wished na Vic will truly find someone that will love him and care for him no matter what."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ano ang masasabi ni Dina na up to this time at sa dami ng naugnay kay Vic pagkatapos ng kanilang paghihiwalay ay siya pa lang ang bukod-tanging babaeng pinakasalan ni Vic?



"Naku, e, alam naman talaga ng lahat ‘yon na ako lang talaga ang may nagmamay-ari ng title na ‘Mrs. Vic Sotto'!" pagbibiro niya.

"Pero honestly, with Vic, talagang ayokong makialam kapag siya ang topic. But I honestly and sincerely wish him the best. I really wish na he will find someone na talagang truthfully magmamahal sa kanya na talagang honest to goodness.



"Like I said, many times, I have nothing against Pia. I think she's a nice person. Pero siguro, you know, he [Vic] needs to find someone who is not a bilmoko girl. Like in the past na parang, hello! Tsing-tsing! Ano na naman ‘yon?" makahulugang sabi ni Dina.



Aside from being an actress, businesswoman din si Dina. Kaya hindi naiwasang itanong ng PEP sa kanya kung tulad ba ng ibang showbiz personalities ay na-involve at nag-invest din siya sa pinag-uusapan ngayong FrancSwiss scam?



"No, never!" sagot niya. "I was smart enough never to invest in it. Kasi, from the very beginning, alam ko na it will gonna be a scam. Kasi, noong sinabi niya sa akin na ang laki-laki ng mga porsiyentong kikitain, ay naku, sinabi ko na kaagad, ‘Scam yan!' Kasi ang daming friends na tumawag sa akin. Even co-actors asked me about it, pero ako, I never tried. Kasi, I know talaga na it's gonna be a scam... True enough.



"E, alam n'yo naman ako, clairvoyant!"



May mga kakilala ba siyang nabiktima ng pyramid scam na ito?



"Ang daming nabiktima!" bulalas niya. "Actually, I have lots of friends na nabiktima ng scam. I honestly feel bad because they are also good people. Hindi naman sila swindler, but naging biktima sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hay naku, kung sino man ang nagpasimuno ng FrancSwiss na ito, dapat siya ay makulong! And how dare him using the currency of my country!" huling pahayag niya na ikinatawa ng lahat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN