Judy Ann Santos to meet with ABS-CBN big boss Gabby Lopez next week


Judy Ann Santos, on being asked about the possibility of discussing ABS-CBN's decision not to allow her to promote GMA Films' Ouija in her home network, says nothing's wrong with talking about it. She raises the question with "no bitterness and no hard feelings."


Kinumpirma ni Judy Ann Santos sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balita na may meeting sila ng boyfriend niyang si Ryan Agoncillo kay Mr. Gabby Lopez ng ABS-CBN next week.



"True, pero naka-schedule ‘yon bago pa lumabas ang isyu sa promo at bago ang presscon namin ni Jolina [Magdangal] ng Ouija. Hindi ko pa alam ang pag-uusapan namin," sabi ni Juday sa general presscon ng Ouija last July 12..



Kasama ba sa agenda ng meeting nila ang hindi pagpayag ng ABS-CBN na mag-promote sila ni Jolina ng pelikula nila sa The Buzz, Boy & Kris, at Sharon?



"Walang masama kung pag-usapan ‘yon. Gusto ko lang namang magtanong. Wala akong sama ng loob, no bitterness and no hard feelings. Irerespeto ko anuman ang sagot, i-explain lang nang maayos," sabi ng actress.



At press time, may nagbalitang sa Tuesday, July 17, ang meeting nina Judy Ann and Ryan kay Mr. Lopez. Pumayag kaya ang top man ng Kapamilya Network na makapag-promote sina Juday at Jolens ng Ouija sa tatlong nabanggit na shows ng ABS-CBN kahit ilang araw na lang ay ipalalabas na ang pelikula ng GMA Films at Viva Films?



Natatandaan ng PEP ang sinabi ni Judy Ann na walang dapat ikabahala ang ABS-CBN sa paggawa niya ng pelikula sa GMA Films dahil wala siyang balak lumipat. Kare-renew lang daw niya ng kontrata sa ABS-CBN at Star Cinema and she'll honor that.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN