Nida Blanca case continues says NBI


"Ang kaso ni Nida Blanca ay tuluy-tuloy naman kasi nasa kulungan nga si Philip Medel, ang kaso laban sa kanya ay tuluy-tuloy. At against Strunk, hindi nga matuluy-tuloy [ang kaso] dahil at large siya, hindi pa siya nahuhuli, hindi pa siya nakukuha. Nag-a-attempt nga sana ang gobyerno through extradition para maibalik siya dito sa Pilipinas. Pero sa nangyaring ganyan, what is the use of extradition kung talagang patay na siya?" says NBI Director Edmund Arugay.


Lubos na ikinagulat ng mga tao sa showbiz ang balitang pagkamatay ni Rod Strunk—asawa ng napatay na batikang aktes na si Nida Blanca—noong Hulyo 11, ayon sa Tracy Press sa California.

Ayon sa unang balita na nailabas ng PEP kanina, mula sa report ng Tracy Press, natagpuan ng isang babae ang isang lalaking nakabulagta sa parking lot ng Tracy Inn, sa Tracy, California. Duguan ang ulo at patay na. Na-ID ng mga pulis na rumesponde ang 68 taong gulang na si Roger "Rod" Strunk. Batay sa kanilang imbestigasyon, nagpatiwakal si Strunk sa pamamagitan ng pagtalon mula sa balkonahe sa ikalawang palapag ng Tracy Inn.

Sa paglabas ng balitang ito, muling nabuhay ang isyu tungkol sa hindi malilimutang pagkamatay ng beteranang aktres na si Nida Blanca noong Nobyembre 7, 2001. Matatandaan na tinuturong primary suspek ang kanyang asawa na si Strunk.

Isang Philip Medel ang umamin noong una na siya mismo ang pumatay diumano kay Nida Blanca. Ngunit binawi ni Medel ang unang statement niya at itinuro si Strunk bilang mastermind ng krimen. Kaya lalo pang tumindi ang pagkakadawit ni Strunk.

Ngunit bago pa tuluyang makasuhan sa korte si Strunk, lumipad siya patungong States noong July 2002 dahil kailangan diumano niyang dalawin at alagaan ang kanyang inang may sakit.

Sinubukan ng National Bureau of Investigation (NBI) na pabilikin si Strunk sa bansa sa pamamagitan ng extradition ngunit nabigo ang gobyerno.

Dahil sa pagkamatay ni Strunk, marami ang nagtatanong kung ano na ang kahihinatnan ng kaso hinggil sa brutal na pagkamatay ni Nida Blanca.

Ayon kay NBI Deputy Director Edmund Arugay tuloy pa rin ang kaso ng pagkamatay ng beteranang aktres. Sa maikling panayam sa kanya kanina, July 14, ng Startalk, ipinaliwanag ni Director Arugay, "Ang kaso ni Nida Blanca ay tuluy-tuloy naman kasi nasa kulungan nga si Philip Medel, ang kaso laban sa kanya ay tuluy-tuloy. At against Strunk, hindi nga matuluy-tuloy [ang kaso] dahil at large siya, hindi pa siya nahuhuli, hindi pa siya nakukuha. Nag-a-attempt nga sana ang gobyerno through extradition para maibalik siya dito sa Pilipinas. Pero sa nangyaring ganyan, what is the use of extradition kung talagang patay na siya?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samatala, nakiusap naman ang isa sa mga abogado ni Strunk dito sa Pilipinas na si Atty. Alma Mallonga, sa pamamagitan ng Startalk, na sana ay tigilan na ang mga walang basehang akusasyon sa kanilang kliyente. Ito ang kabuuan ng mensahe:

"We, his lawyers, are deeply saddened by news of Rod Strunk's death and concerned that this maybe capitalized upon by some to further connect him to the death of Nida Blanca.

"Mr. Strunk loved Ms. Blanca, who was his wife for 20 years. He was highly despondent over her death. He struggled mightily to rebuild his life without her but obviously failed. He had nothing to gain from her death and there's no evidence but only cruel speculation to continue linking him to the crime.

"The unfounded accusation should now stop. Mr. Strunk had been planning to write a book. He had married anew but recently separated, which is why he is staying in a hotel at the time of his death. We pray that he finds the peace that eluded him in his life after Nida Blanca."

Nagpasya naman ang anak ni Nida Blanca, si Kaye Torres, na hindi muna magbibigay ng anumang pahayag ukol sa balita. Nais muna raw niyang alamin ang mga detalye ng pagkamatay ni Strunk bago magsalita tunkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN