Christine Bersola laughs off malicious rumor about daughter's fatal accident


"Super bad joke talaga. Dami na texting and asking me about Anya. Namatay daw. Na-comatose. Dami na worried. Not true at all!... That wild tsismis is the product of an evil and idle mind," says Christine Bersola about malicious report that her and Julius Babao's daughter died in an accident.



Mariing pinabulaanan ng TV personality na si Christine Bersola-Babao ang kumakalat na balitang naaksidente at namatay ang anak nila ni Julius Babao na si Antonia. Ayon sa nasagap na report ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na galing sa isang radio program, naglalaro diumano ang mag-ama nang aksidenteng mabitiwan ni Julius si Antonia at nahulog ang toddler.

Agad tinext ng PEP si Tintin para alamin ang totoong nangyari. Mabilis namang nag-text back si Tintin at sinabi na wala siyang kaalam-alam sa balita. Tinawanan lang niya ang balita dahil kasama niya si Anya that time papunta sa isang mall.

Kahapon, July 13, ay nakatanggap muli ng text message ang PEP mula kay Tintin.

"Hi, how are you? Super bad joke talaga. Dami na texting and asking me about Anya. Namatay daw. Na-comatose. Dami na worried. Not true at all! Anya is in toddler school na. Smart, talkative, sociable, inquisitive, alert, and healthy. That wild tsismis is the product of an evil and idle mind."



Duda ni Tintin, isa itong form of social experiment ng isang grupo para ma-check kung to what extent papatulan o paniniwalaan ng public ang tsismis.



Noong una ay nag-alala talaga nang husto si Tintin. But upon learning na ang daming nagtatanong sa kanya at nagpapakita ng concern for Anya, natuwa na rin kahit paano ang maasikasong ina na si Tintin. Pero panawagan niya sa lahat ng nagmamahal sa kanyang pamilya na huwag mag-alala dahil okay na okay si Anya.



Super proud mother si Tintin nang ikwento niya kung gaano ka-smart at active ni Anya. Napakataas daw ng IQ level ni Anya, considering that she's only two years and four months old. Base sa ginawang pagsusuri sa intelligence ni Anya, umabot na raw siya sa borderline for being a gifted child.



Sa kabila nito, ayaw muna ni Tintin na i-encourage ang pagiging gifted ni Anya dahil ayaw niyang "ma-stress" at sobrang ma-pressure ang kanyang anak. Mas gusto pa rin niya na makasabay at makasalamuha ni Anya ang iba pang mga bata na ka-edad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ngayong araw, July 15, ay ise-celebrate ni Julius ang kanyang kaarawan. May simpleng family dinner lang daw sila. Before Julius's birthday this year, nag-donate sila ng bahay at personal na nagpunta sa Gawad Kalinga Village sa Sitio Ruby, Fairview. Ever since naman daw ay matindi na ang ibinibigay nilang suporta sa Gawad Kalinga Foundation.



Bukod dito, for the first time ay nag-donate ng dugo sina Tintin at Julius sa Red Cross noong July 13.



"It's a way of giving back and sharing life. Volunteers na kami ng Philippine National Red Cross ngayon," sabi ni Tintin bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN