Cherry Pie Picache expresses hope for movie industry during "Foster Child" premiere


"There is hope [for the Filipino film industry]... and this hope gives more energy to the actors and directors dito sa ating bansa... At ngayon lang po ako mapapanood ng anak ko, after all these years in showbiz... si Anton," says Cherry Pie Picache during the premiere night of her latest film, Foster Child.


Sa Philippine premiere ng Foster Child, na siya ring opening film ng 2007 Cinemalaya Independent Film Festival sa CCP Main Theater sa Roxas Boulevard kahapon, July 20, tuwang-tuwa si Cherry Pie Picache sa dami ng mga sumuporta—punumpuno ang CCP Main Theater! And for the first time ay nakita na siya ng kanyang anak na umarte on the big screen.



Bago ang screening ng Foster Child, nagsalita on stage ang producer ng movie na si Robbie Tan for Seiko Films, ang direktor nitong si Brillante "Dante" Mendoza, at mga artista sa pelikula na sina Cherry Pie, Jiro Manio, at Eugene Domingo.



Sabi ni Cherry Pie sa kanyang speech, "There is hope [for the Filipino film industry]... and this hope gives more energy to the actors and directors dito sa ating bansa...



"At ngayon lang po ako mapapanood ng anak ko, after all these years in showbiz... si Anton," pagpapakilala ni Cherry Pie sa anak na nasa audience, kasama ang iba pang mga kamag-anak ng aktres.

Sa loob ng labing-pitong taong pamamalagi sa show business ng multi-awarded actress, ngayon lang siya napanood sa pelikula ng kanyang anak na si Anton, five years old.



Nanood din noong gabing 'yon sina Jaclyn Jose, Allan Paule, Maria Isabel Lopez, Direk Joel Lamangan, Direk Mel Chionglo, Manny Valera, Glaiza de Castro, among many other film enthusiasts.



Kamailan lang, pinarangalan si Cherry Pie bilang Best Actress sa Durban Filmfest sa South Africa para sa Kaleldo (Summer Heat). Tinalo niya ang iba pang mga kalahok mula sa iba't ibang bansa.



Tulad ng Foster Child, si Dante Mendoza rin ang nagdirek sa kanya sa Kaleldo.



Noong March, na-nominate na rin bilang best actress si Cherry Pie sa nakaraang Star Awards for Movies ng PMPC (Philippine Movie Press Club) at sa Golden Screen Awards ng Enpress (Entertainment Press Society).



Nominado rin ang alagang ito ni Ed Instrella bilang best actress for the same film sa Gawad Urian ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino, na gaganapin naman ngayong Setyembre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, super proud din si Cherry for Foster Child dahil ito ay nabigyan ng malaking karangalan upang mapili for world premiere sa Cannes International Film Festival, ang sinasabing world's most prestigious film festival.



Ipinalabas ito sa Cannes noong May 25, 2007 at umani ng mga papuri mula sa critics.



Unforgettable para kay Cherry Pie ang maitanghal ang kanyang pelikula sa Cannes Filmfest. "Mahirap ko nang makalimutan 'yon sa buong career ko," nakangiting sambit ng award-winning actress bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN