Bruce Quebral to play Tikbalang King in Book 2 of "Super Inggo"


Pinoy Big Brother 2 ex-housemate Bruce Quebral joins the cast of the Book 2 of Super Inggo. He will play the king of the tikbalangs.



Tahimik lang ang kampo ng ABS-CBN pero nasa pre-production stage na pala ang Book 2 ng Super Inggo, ang isa sa shows ng Kapamilya na nakapagtamo ng pinakamataas na rating the past few seasons.



Ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na bahagi ng production team na Super Inggo, retained pa rin ang original cast, headed by Makisig Morales bilang si Super Inggo at si Angelu de Leon bilang ina nito.



Pero may mga bago ring ipapasok na characters at ang isa na nga rito ay si Bruce Quebral ng Pinoy Big Brother (PBB) Season 2.



Dahil fantaserye ang Super Inggo 2, magkakaroon ng "tikbalang world" sa pagbabalik nito sa Kapamilya Network, at gaganap si Bruce bilang Tikbalang King.



Tila hindi naman papapangitin si Bruce at gagawan ng nakakatakot na prosthetics. In fact, sabi ng aming source, walang prosthetics na ilalagay kay Bruce upang gumanap na Tikbalang King—o kung meron man ay minor lang—kundi puro body painting.



Para marahil hindi masira ang ilusyon ng fans kay Bruce, malamang na guwapong tikbalang ang magiging role nito.



Ang totoo niyan ay nagpapa-audition na ngayon ang ABS-CBN para sa iba pang mga tikbalang roles.



Requirements ng applicants ay dapat matangkad (at least 5'11" ang height or preferably 6-feet above), muscular, at good looking. Kaya marahil ay mga guwapong tikbalang nga ang kailangan ng production, kung saan si Bruce ang kanilang magiging hari sa mundo ng mga tikbalang.



Balitang kasama rin si Bruce sa remake na Burlesk Queen na pagbibidahan ng girlfriend ng model na si Wendy Valdez. Ito ang balitang isusunod ng Kapamilya Network sa Sine Serye nilang Natutulog Ba Ang Diyos? na currently airing na.



Samantala, tuloy rin ang nationwide tour ng PBB 2 housemates.



Bukod sa regular tapings ni Bruce ng dalawa niyang bagong shows sa Dos, ang national tour na ito ay naging dahilan din ng hindi pagkakatuloy ni Bruce sa first movie sana niyang Desperadas mula sa Regal Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



A few days ago, sa lamay ng namayapang ama ni Cristy Fermin sa Funeraria Nacional sa Sta. Mesa, ay first time nagkakilala sina Bruce at Direk Joel Lamangan, ang direktor ng Desperadas.



Sinabi ni Bruce kay Direk Joel—na kasama that time si Manny Valera, ang supervising producer ng Regal—na nanghihinayang siya't hindi matutuloy ang pagsasama nila for the movie.



"Sayang po talaga, di pa tayo magkakatrabaho," sabi ng model-turned-actor kay Direk Joel. "Wala po akong magagawa, e. Conflict po sa sked."



"Maybe some other time," maikling tugon naman ng multi-awarded filmmaker.



After that very short conversation ay nagpaalam na rin si Bruce kasama ang iba pang PBB 2 housemates.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN