Maja Salvador breaks rule to never get back with an ex-boyfriend

IMAGE Noel Orsal / @iammajasalvador Instagram

Maja Salvador on rekindled relationship with Rambo Nuñez: "It's my first time na 1,000 percent na walang pagdadalawang-isip if I'll share it or not. "Yung moment na feel ko na gusto ko i-share, shinare ko. Hindi ko pinigilan ang sarili ko."


"I think it's worth it." 

Sinuway ni Maja Salvador ang personal rule niyang wala siyang binabalikan na ex-boyfriend nang magtagpo muli ang landas nila ng businessman na si Rambo Nuñez. 

Naging magkarelasyon sila nine years ago. 

Ginulat ni Maja ang kanyang Instagram followers nang inanunsiyo niyang si Rambo ang ka-date niya noong Valentine's Day. 

"I know! Ako rin naman nagulat," nagniningning ang mga matang lahad ng 30-year-old Kapamilya actress. 

"Pero sabi ko nga, minsan you break your own rules. 

"And yung reason naman namin kung bakit kami nag-break noon, hindi matindi. Hindi tulad ng iba na matindi.

"Yung reason namin, bata lang kasi ako nun."

Dahil nag-uumpisa pa lang siya noon sa showbiz, mas pinili raw ni Maja ang kanyang career kaysa love life kaya sila naghiwalay ni Rambo. 

Dagdag niya, "So, parang hindi nabigyan ng todong chance before. So, eto siguro yung chance."

Kung noon ay sobrang pribado si Maja pagdating sa kanyang love life, ngayon ay all-out siya sa pag-post ng kilig photos nila ni Rambo sa Instagram. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's my first time na 1,000 percent na walang pagdadalawang-isip if I'll share it or not.

"Yung moment na feel ko na gusto ko i-share, shinare ko. Hindi ko pinigilan ang sarili ko."

Patuloy niya, "Pinag-isipan ko kung i-off ko yung comments. Di ba, puwede naman yun?

"Pero nandun ako sa, 'Sige OK lang, huwag na." 

Bahagya lang daw siyang nag-alala sa posibleng epekto ng relasyon niya kay Rambo dahil hindi naman ito showbiz personality. 

"Ayoko nang masasaktan yung mga taong importante, like, hindi lang siya yung masasaktan if ever, e, yung buong family niya.

"Very close yung family nila. Kung isa masaktan, lahat sila masasaktan. Ayoko naman mangyari yun.

"And then, biglang sobrang positive yung resulta, so nakakatuwa." 

Nakapanayam si Maja ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters sa media launch sa kanya bilang bagong celebrity endorser ng Guitar apparel. 

Ginanap ito sa Trinoma Activity Center noong Biyernes, March 1. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEST THING ABOUT RAMBO

Kuwento pa ni Maja, isa sa mga ikinahulog ng loob niya kay Rambo ay ang pagmamahal nito sa pamilya.

"Walang pagbabago sa very family-oriented and super love niya yung mommy niya.

"E, isa yun sa mga hinahanap ko. Kasi ang sabi nga nila, dapat mahanap mo yung lalaking sobrang mahal yung nanay, para alam mo kung paano ka rin niya mamahalin.

"And yung family nila, sobrang bait!" 

Malaking bagay rin daw na malapit si Maja sa ina ni Rambo na si Marilen Nuñez. 

Kahit na noong naghiwalay sila ni Rambo ay hindi raw nawala ang komunikasyon ni Maja kay Marilen. 

Ito rin ang dahilan kung bakit ganoon na lang kakumportable si Maja na tawaging "mhom" si Marilen sa mismong Instagram posts ng aktres. 

"Sobrang suwerte lang din na ang bait ng family, na wine-welcome ka na parang pamilya.

"Actually, anak yung turing sa akin, e. Yun yung masarap sa pakiramdam. Yun ang pinapa-feel ng family." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro ng PEP.ph na hindi kaya kasalan na agad ang uwi nila ni Rambo kaya "mhom" na ang tawag ng aktres sa ina ng binata. 

Natatawang sagot ni Maja, "Siyempre alam niyo naman ako!

"No filter naman ako, di ba, kung paano ako magsalita sa kahit kanino?

"Siyempre hindi naman ako magpapanggap, pagdating kunwari, e, nagkasundo talaga kami ni Mhom.

"So, Mhom, may 'h' para maiba. Kasi may ginagaya ata ako nun na may accent, dun nag-start." 

Umaasa raw si Maja na magtuluy-tuloy ang magandang samahan nila ni Rambo. 

"Sabi ko nga, ang gaan! Sobrang kabaliktaran ng dati.

"Ngayon, sobrang gaan," nakangiting dugtong ni Maja.  

MAJA'S EX-BOYFRIENDS

Sa showbiz, ang mga naging karelasyon ni Maja ay sina Gerald Anderson at Matteo Guidicelli. 

Tumagal ng humigit-kumulang dalawang taon ang relasyon nila ni Gerald at mahigit isang taon naman kay Matteo noon. 

Ang napabalitang huling karelasyon ni Maja ay ang kanyang high-school classmate na kabarkada rin niya. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

January 2018 nang inamin ni Maja na nasa dating stage sila ng kanyang kabarkadang iyon, pero ilang buwan lang ang itinagal ng kanilang pagkakamabutihan. 


Stories We Are Tracking

Maja Salvador 'confirms' rekindled romance with Rambo Nunez
Maja Salvador 'confirms' rekindled romance with Rambo Nunez
Maja hints at rekindled romance with non-showbiz guy?
Maja hints at rekindled romance with non-showbiz guy?
Has Maja Salvador reconciled with rumored ex-boyfriend?
Has Maja Salvador reconciled with rumored ex-boyfriend?
Maja Salvador reveals strong bond with Gary Valenciano
Maja Salvador reveals strong bond with Gary Valenciano


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN