JK Labajo claps back at his critics over viral video: "Linis linis niyo naman mga santo pala kayo."

IMAGE Gorgy Rula / @dwayne0830 on Instagram

Singer JK Labajo takes to Instagram to slam netizens who judged him for the viral video where he was seen cursing and flashing a dirty finger to someone in the audience.


Pumalag si JK Labajo sa netizens na humuhusga sa kanya dahil sa kumalat na video, kung saan mapapanood siyang paulit-ulit na nagmura at nag-dirty finger.

Pinuna rin ng 18-anyos na singer ang mga pahayagang nagsulat tungkol sa nangyaring insidente sa Rakrakan 2019: 2 Days of Love, Peace & Music event noong Marso 1, Biyernes, sa Circuit Makati.

Kumalat sa social media ang video ni JK na tatlong beses minura ang isang manonood sa audience dahil sumisigaw ito ng “I love you, Darren,” pagkatapos ng performance ng banda nilang Juan Karlos.

Noong nakaraang taon ay nagkaroon ng matinding hidwaan sina JK at Darren Espanto sa social media, dahil sa mga mapanirang tweets diumano ni JK laban kay Darren.

Itinanggi ni JK na siya ang gumawa ng mga tweet na iyon dahil na-hack daw ang kanyang account, subalit binatikos na siya nang husto ng netizens pati na rin ng fans ni Darren.

Binanatan naman siya ni Darren via social media at nagkaroon ng pasaringan ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina JK at Darren ay parehong grand finalists sa The Voice Kids noong 2014.


Stories We Are Tracking

Darren, JK engage in word war over
Darren, JK engage in word war over "gayness" tweet
JK sarcastically answers bashers amid word war with Darren
JK sarcastically answers bashers amid word war with Darren
JK wears wig, makeup amid word war with Darren
JK wears wig, makeup amid word war with Darren
Darren explains reaction to JK's tweet against him
Darren explains reaction to JK's tweet against him

JK SPEAKS UP

Nitong Miyerkules, March 6, sa pamamagitan ng Instagram Stories, inihayag ni JK ang kanyang saloobin hinggil sa insidente noong nakaraang linggo.

Ang kanyang mga pahayag ay pasaring sa netizens na napanood ang video at binatikos siya.

“Wag ka manghusga ng tao dahil lang sa mga video na nakikita mo. Lalo na kung hindi mo alam ang tunay na konteksto

“Tsaka hindi porket nagmumura, masama na ang ugali. lumaki na ang ulo,” simula ni JK.  

Buwelta pa niya sa kanyang mga kritiko: “linis linis niyo naman mga santo pala kayo.” 

Dinepensahan pa ng vocalist ang kanyang pagmumura.

“Sa Pilipinas lang pinaka big-deal pag nagmura ang isang artist. bakit kaya?

“I’m a chill guy but then for sure hindi lang ako ang tao na napupuno rin.”

Sabi pa ni JK, “normal” ang kanyang ginawa bilang isang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinisi rin niya ang mga manonood na bumabastos sa kagaya niyang performer.

“Obviously as a performer what I did was unprofessional but as a human being I think what I did was normal.

“Yun yung problema eh sobrang daming mga bastos at walang modo sa mga shows. Naghahanap ng paraan para mapansin. Mga asal hayop.

“Kaya pala hindi umuunlad ang ating bansa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

“IT WAS ALL AN ACT.”

Diin pa ni JK, huwag siyang husgahan base lamang sa napanood na video.

“Tsaka oo nga pala. People need to learn that there are different personalities that me personally as an artist have.

“The me off stage, and the motherfucker you see on stage.

“I’d rather have you judge me if you know me well. If you know me personally. If you’ve been with me and my band somewhere na wala kaming ganap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Mahirap na magaya kayo sa iba na kung ano ang nakikita sa mga video na kumakalat grabe na agad makapanglait. Na kung ano ang chika chika na narinig grabe na agad makapang husga.

“Agree ako sa sinabi ni Atty. Larry Gadon…” pagtukoy ni JK sa senatorial candidate.

“lol all them media peeps publishing things on newspapers like they actually know what actually went down.

“were they even there?

“did they actually see the full performance?”

Depensa ni JK, “it was all an act ffs. yeah of course we got pissed off a bit but we, the band, as usual, just made fun of it. ang bilis naman kumagat ng mga haters and newspapers.

“patola amp.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“FILIPINOS ARE NOT READY…”

Ngayong Huwebes ng umaga, March 7, nag-post muli ng statement si JK sa Instagram Stories niya.

Aniya, “FILIPINOS AIN’T READY FOR ROCK AND ROLL.

“FILIPINOS ARE AFRAID TO APPRECIATE TRANSPARENCY FROM TRUE ARTISTS. HECK EVEN LISTEN AND PAY FOR TRUE ARTISTS.

“IM NOT SAYING ALL FILS OF COURSE BUT YOU KNOW WHAT I MEAN.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaman pa niyang sabi, “THEY CAN’T STOP LOVING THAT SUGAR COATED PRETENTIOUS ANGELS THEY SEE ON TV. ‘UGH WHAT AN AMAZING HUMAN BEING SO KIND.’”

Panghuli ay pinasalamatan ni JK ang mga sumusuporta sa kanya.

“Maraming Salamat sa lahat ng mga taong umintindi at sumusuporta sakin. mahal ko kayo.  

“Panatiliing bukas ang isipan.

“Rock on!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN