Gerald Anderson lauds Bea Alonzo's body positivity advocacy

IMAGE Noel Orsal

Gerald Anderson supports girlfriend Bea Alonzo's body positivity initiative


Suportado ni Gerald Anderson ang pagpu-post ng swimsuit photos ng kasintahan niyang si Bea Alonzo sa kanyang Instagram account.

Natutuwa si Gerald na kahit naging biktima si Bea ng body shaming dati, mas minamabuti pa rin ng kanyang girlfriend na gamitin ang kanyang social media para sa pag-promote ng body positivity.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Gerald sa nakaraang blessing ng kanyang gym, ang The Th3rd Floor sa Roces Ave., Quezon City nung nakaraang March 3.

Lahad niya, “Ang message naman niya, wag tayo masyadong papadala sa mga tao na may image na binibigay sa atin na, 'Dapat ganito ka kapayat,' 'Dapat ganito ka kaseksi'—yung body shaming.

“Be comfortable about who you are.

“Kung gusto mong maging healthy, yun dapat ang priority, hindi yung hitsura mo lamg.

“Yung performance kunwari sa badminton, masama yung laro mo kahapon, dapat bawi ka.

“Instead of, 'Grabe ang taba ko ngayon,' 'Ay, ang payat ko ngayon,' mag-set ka ng goal, yung performance-based.”

Kinumusta din namin sa Kapamilya actor ang relasyon nila ni Bea sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagmamalaki niya, “Masaya kasi kahit marami akong ginagawa—with being artista, basketball, with the gym.

“Siya may bagong movie na ipapalabas, so medyo busy lahat ng tao.

“Pero yung support namin sa isa't isan nandiyan.”

PROUD OF BEA'S ACHIEVEMENTS

Proud na proud din si Gerald sa achievements ng kasintahan kung saan pagkatapos makapareha sa pelikula si Aga Muhlach, ngayon naman ay kasama nito sa pelikulang Eerie si Ms. Charo Santos-Concio.

Saad niya, “Pangarap niya yun, matagal na niya talagang gusto yun.

“Kinikilig siya everyday. Kahit ngayon, I'm sure.

“Nandun kayo, may presscon sila.

“Everyday kinikilig siya pag kasama niya si Ms. Charo.”

Nagbakasyon din sina Bea at Gerald sa Japan nung nakaraang Disyembre, at aminado ang aktor na malaki ang nagagawa ng pagbibiyahe para mas lumalim ang isang relasyon.

Masaya niyang kuwento, “Napakaganda ng Japan. Suwerte namin na na-explore namin with friends.

“Nakaka-recharge siya, nakaka-refresh siya.

“Pagbalik mo, ganado ka na uli. May panibagong goals ka na, may mga panibagong ideas ka na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakapagpahinga ka at nae-experience mo yung culture ng ibang tao.

“Malaking tulong din yan sa magkarelasyon.

“Dun mo talaga malalaman kung magkasundo kayo, pag bumibiyahe kayo.”

NOT RUSHING TO TIE THE KNOT

Nag-post din ng isang emosyonal na mensahe si Bea para kay Gerald noong nakaraang kaarawan nito nung March 7.

Tinanong namin ang aktor kung wala pa ba sa plano niya ang mag-propose na rin sa girlfriend lalo na't mas tumibay at lumalim na ang kanilang relasyon.

Pahayag niya, “Di ko masabi.

“30 years old na ako.

“Ang bilis ng panahon. 17 ako nag-start, di ba?

“Di naman ako nagmamadali, everything comes in God's perfect time.

“Ang dami ko pang mga personal goals na gustong ma-reach.

“Dapat pagdating ng panahon na yun, ready na ako.

“Alam mo siya na yung pinaka-supportive na tao, e.

“Hindi ako madaling ka-partner o karelasyon sa dami ng ginagawa.

“Marami akong gusto pang patunayan pa sa sarili ko, mahirap yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya din, ganun din siya na tao.”

NEW GYM

Kilalang isang health buff si Gerald at patunay nga nito ay ang pagtatayo niya sa The Th3rd Floor.

Sa tingin ng iba ay malaki ang naging impluwensya niya sa pagiging physically fit ni Bea ngayon.

Pero sa pagkukuwento ng aktor, determinado rin daw si Bea na panghawakan ang kanyang sariling fitness goals at body image.

Paglinaw niya, “Hindi! Siya yun, siya yun.

“Desidido rin siya, determinado at may mga goals din siya.

“Self-motivated siya, di ko siya kailangang i-push.

“Araw-araw, since nung nag dry run pa lang kami.

“Nag-start kami nung Lunes, halos every day siyang nandito, kami.”

Binahagi din sa amin ni Gerald kung bakit siya nagdesisyon na itayo ang The Th3rd Floor.

Kuwento niya, “Wala, part siya ng lifestyle ko at gusto ko siyang i-share sa tao.

“Gusto kong may matulungan tayo diyan, may ma-inspire tayo kahit papaano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This is the place to do that at buong career ko naman parang sa bahay ako nagdyi-gym, sa third floor ng bahay ko kaya siya Th3rd Floor.

“Kung ano ang mga nakatulong sa akin para marating ko kahit papaano yung narating ko.

“Yun ang gusto kong i-share ko sa tao.”

“Ito yung nakakatulong sa akin sa lahat ng mga pinagdaanan ko, mga ups and down sa showbiz, sa personal life.

“Ito yung nakatulong sa akin, yung pagiging fit, yung mag-exercise or mag-work out.

“Nagkakaroon ako ng clarity.

“Pag nasa gym ako, dun ko naiisip ang mga goals ko, kung ano ang gusto kong gawin para sa taon na ito.

“Importante siya sa buhay ko kaya gusto ko ring i-share sa tao.”

BASKETBALL TEAM

Ang koponang kinabibilangan ni Gerald, ang Marikina Shoemasters ng Maharlika Pilipinas Basketball League, ay isa rin pala sa mga dahilan kung bakit tinayo niya ang The Th3rd Floor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, “Malaking factor din yan kung bakit itinayo ko ito.

“Gusto ko rin puntahan din siya ng mga athletes para mayroon tayong place para mas gumaling pa, magpakundisyon pa at mag-improve.”

“Yung team? Okay naman. Marami kaming challenges na pinagdaanan.

“Yung mga taga-Marikina lalo, never give up naman sila.

“Last game na lang kami, 'tapos tapos na ang season namin.

“Nagbalik-artista mode na naman ako.”

NEW TV SHOW

Magbibida si Gerald sa seryeng Take Life ng ABS-CBN.

Kahit abala si Gerald ngayon sa taping ng pagbibidahang serye, siniguro niyang malayo ito sa The General's Daughter kahit umiikot din ito sa buhay ng mga militar.

Aniya, “Hayun, training kami.

“Nagte-taping kami, excited kaming mapalabas at mapanood ng mga tao.

“Ibang kuwento siya, siguro ang common denominator is pareho silang military pero magkaibang kuwento.

“Sabi ko nga, may mga nagawa na akong military shows and military movies, pero ito yung first time na dumaan kami sa boot camp.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat kami, pito kaming artista na trinato kami na parang sundalo talaga.

“Nandun sa Instagram.

“Grabe, pati mga kasama ko, grabe, nakakapagod—yung mga courses, yung pagsigaw sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN