Comedian Chokoleit dies at 48

IMAGE @hot_chokoleit on Instagram

Showbiz mourns the untimely death of comedian Chokoleit, 48.


Pumanaw na ang komedyanteng si Chokoleit sa edad na 48.

Kinumpirma ito ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, sa pamamagitan ng isang statement ngayong Linggo ng madaling-araw, March 10.

Hindi pa malinaw kung ano ang ikinamatay ng komedyante, subalit ayon sa statement na inilathala sa ABS-CBN News, nag-perform daw si Chokoleit sa isang out-of-town show sa Abra.

Pagkatapos daw ng kanyang performance ay idinaing nito na nahihirapan siyang huminga.

Ito ang kabuuan ng statement ng Star Magic:

"Details are still being gathered. Chokoleit was performing in an out of town show in Abra, and experienced difficulty in breathing after his performance." 

Nakilala si Chokoleit sa kanyang role bilang Pearly Shells sa fantaseryeng Marina noong 2004.

Nakasama rin si Chokoleit sa mga teleseryeng Kampanerang Kuba (2005), Mara Clara (2010), Aryana (2012), at Asintado (2018).

Kabilang naman sa mga markado niyang pelikula ay ang Zsa Zsa Zaturnnah (2006) at Tarima (2010).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN