Vice Ganda, Paulo Avelino, Maymay Entrata, other celebs mourn Chokoleit's death

IMAGE File / @maymayentrata07 on Twitter

Vice Ganda and Maymay Entrata were some of the celebrities who expressed their shock and grief about Chokoleit's untimely death.


Ipinagluluksa ng mga kaibigan at kasamahan sa showbiz ang biglaang pagkamatay ng komedyanteng si Chokoleit.

Ibinalita ang pagkamatay ng 48-year-old comedian ngayong Linggo ng madaling-araw, March 10, matapos siyang makaranas ng paninikip ng dibdib pagkatapos mag-perform sa isang show sa Abra.

READ: Comedian Chokoleit dies at 48

Kabilang sa mga nagpahayag ng kanilang pagluluksa ang komedyanteng si Vice Ganda, na kilala rin bilang isa sa mga malalapit na kaibigan ni Chokoleit.

Sabi ni Vice sa kanyang tweet: "Thank you Lord for giving me a chance to meet Chokoleit and become his friend.

"Im sad that we lost him. But happy that he’ll be in a much peaceful and happier place now with you.

"Thanks for everything Chokie. I love you!!! Rest well my friend."

Ilang minuto pagkatapos ng kanyang unang post, sinabi ni Vice, "oh my Lord this is really sad. Pls give us strength."

Nagpahayag din ng kanilang pagkalungkot sa balita ang celebrities tulad nina Ogie Alcasid, Vhong Navarro, Barbie Imperial, Ella Cruz, Donny Pangilinan, Sunshine Cruz, Maymay Entrata, John Lapus, at Paulo Avelino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN