Chokoleit's last words a premonition

IMAGE Screen grab from Carl Guevarra's Facebook

One of Chokoleit's last words: "Siyempre, ako ang mauuna! Kasi kung ako huli, baka hindi ko na kayo abutan!"


Kulang sa sigla at hirap magsalita si Chokoleit sa Variety Show nitong Sabado ng gabi, Marso 9, sa Abra Sports Complex, Bangued, Abra, kaugnay sa Abrenian Kawayan Festival 2019.

“Chokoleit’s last words are chilling. Still can’t believe how life just passes by. Hope this helps us appreciate life and our loved ones. RIP,” post ni Carl Guevarra (member ng bandang The Juans) sa Facebook nitong Marso 10, Linggo, 23 minuto makalipas ang Saturday midnight.

Kapwa performer ni Chokoleit si Carl sa nasabing palabas, na bida sina Coleen Garcia, Enchong Dee, Paulo Avelino, JM de Guzman, Ryza Cenon, at Pops Fernandez.

Kaakibat ng post ni Carl ang video (3 minutes, 9 seconds ang haba) ni Chokoleit habang nagpe-perform.

Nakatayo lang sa video si Chokoleit, may hawak na microphone, habang nagsasalita.

“Mas masarap palang ang performer ay nakakarinig agad ng masigabong palakpakan para ganahan ang performer!

“Ganun! Ganyan! Totoo ‘yan, malaking bagay ang palakpak. Nakakaganang magtrabaho pag may palakpak...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

The show must go on!

Halatang may dinaramdam si Chokoleit nang mga sandaling iyon, pero umiral ang pagiging professional niya.

Pagpapatuloy ni Chokoleit, “Subukan niyo ring gawin ‘yan sa mga kasamahan ninyo sa trabaho. Pag dumarating, palakpakan niyo rin.

“Para magtulungan kayong makauwi nang maaga...

“May mga tao pala dun sa malayo,” sambit ni Chokoleit, na tila kinakapos ng paghinga.

“Maganda ba ako sa malayo?! Lipat kayo dun,” pagngiti niya.

“Akala niyo! Mali ang hula niyo, ‘no?! Ang ganda ng... introduction—isa sa may pinakamagandang mukha.

“Akala, nagkamali kayong lahat. Siyempre, ako ang mauuna! Kasi kung ako huli, baka hindi ko na kayo abutan!

“So, ako nga pala si Chokoleit...”

Patok ang pasiklab niya sa pagbabago ng kanyang pangalan, depende kung nasaan siya.

Aniya, iba-iba ang bigkas sa ‘Chokoleit’ sa Maynila (“Tagalog na Tagalog”), Amerika (“may arte na”), Cebu (“parang galit ang tao sa akin”), Iloilo & Bacolod (“may lambing”), at Abra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit pa niya, “Sa Bohol, Diyos ko! First time ko sa Bohol, naloka ako... ang tawag sa akin ng mga tao doon, ‘Tablea! Tablea!’

“Iyong iba, ‘Cocoa! Cocoa!’ Kulang na lang talaga, Cacao!”

Marami sa audience ang humagalpak, kaya mas tumamis ang ngiti ni Chokoleit, “Isa yata ito sa may pinakamagandang stage na napag-perform-an ko.”

Masigabo ang palakpakan at hiyawan ng mga tao.

“If not the best! Ang galing! Nakaka-ASAP ng ABS-CBN, ‘no?! Ganito ang level... ASAP level,” pagmuwestra pa ni Chokoleit.

“Kalokah! The best! Ia-IG story ko ito, asan na yung P.A. [production assistant] ko?!

“Kailangang naka-IG story ito.”

Tumalak si Chokoleit sa mga tao, “Kayo naman, manood kayong mabuti, ha?! Lalo na sa akin! Ibaba niyo muna ang mga cell phone ninyo.

“Picture kayo nang picture, di naman ako naniniwala diyan.

“Ang daming nagpi-picture sa akin, wala naman akong nakitang nag-upload.”

Tawanan ang mga tao nang bonggang-bongga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kalokohan ‘yan!” himutok ni Chokoleit.

“Picture-picture! Pag nag-memory full, ako rin ang unang idi-delete...”

Narito ang video ng mensahe ni Chokoleit sa kanyang huling performance:



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN