Claudine, Ai-Ai, Pokwang, other celebs grieve over Chokoleit's death

IMAGE @claubarretto / @hot_chokoleit / @msaiaidelasalas on Instagram

Claudine Barretto and Ai-Ai Delas Alas pay tribute to the late comedian, Chokoleit, whose untimely death was reported this morning, March 10.


Patuloy ang pagluluksa ng buong showbiz industry sa biglaang pagkamatay ng komedyanteng si Chokoleit.

Linggo ng madaling-araw, March 10, naibalita ang pagpanaw ng 48-year-old comedian, matapos itong makaranas ng paninikip ng dibdib pagkatapos ng kanyang out-of-town performance sa Abra.

READ: Comedian Chokoleit dies at 48

Ilan pa sa mga kaibigan ni Chokoleit ang nagpahayag ng pagkalungkot at pagkabigla sa pamamagitan ng kani-kanilang mga social media posts.

CLAUDINE BARRETTO

Una na rito si Claudine Barretto, na nakatrabaho ni Chokoleit sa fantaseryeng Marina ng ABS-CBN noong 2004.

Nag-post si Claudine ng dalawang videos kasama sina Chokoleit at Cheena Crab, na galing mula sa set ng pelikulang Etiquette for Mistresses noong 2015.

Makikitang nagkakasiyahan sila habang naghihintay ng kanilang take.

Saad ni Claudine sa caption ng kanyang unang video: "I cannot put into words the pain that n feeling Choko!

"Nawalan nanaman ako ng tagapagtanggol at mabuting kaibigan.i luv u sobra"

Sa caption ng pangalawang video, sabi ni Claudine: "Mamimiss ko to! Paki hug si Direk Wenn at Rico para sakin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank u Choko isa kang LOYAL na kaibigan.mahal na mahal kita at d kita makakalimutan kahit kailan."

AI-AI, RUFA MAE, & POKWANG

Isang litrato naman ni Chokoleit ang ipinost ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang Instagram account.

Sa kanyang caption, inilarawan ni Ai-Ai si Chokoleit bilang "isa sa pinaka magaling na komedyante."

Sabi niya, "Naalala ko nung malilit pa sina sophia mamasyal kami sya ako and si mje na friend namin .. dahil malayo byahe tinuturuan ng dalawang bading mag abc si sophia may dalang cheetos so pinapabasa .. chi chi cheetos .. tapos sabihin ni choco b as in ba ba bakla ituturo nya yung isa ko friend gaganti naman si mje kay choc .. b as in ba ba ba.... kulaw hehehe .. ang saya lang .. pahinga ka na choc .. RIP -- #isasapinakamagalingnakomedyante"

Nag-post naman si Rufa Mae Quinto ng screenshot ng huling Instagram direct message niya kay Chokoleit noong February 1.

Kalakip nito ang isang mahabang mensahe para sa namayapang kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Rufa Mae, "A friend is a friend, Hinde man tayo mag kakasama madalas mahal kita na kaibigan.

"February 1, nag dm ako kay @hot_chokoleit kasi everyday halos you cross my mind, nagtataka ako kasi lagi ko sya naiisip, Inisip ko Anong nga bagay na bag sa kanya, i wanna text him, wow Wala yung celphone no. Nya di ko Ma text, Kaya naisip ko mag Dm Pero Hinde nya ata nabasa or nakita.

"Salamat sa kabutihan, sa pagiging mabait mo sa akin, lahat yun nasa puso ko. Rest in peace .. my deepest sympathy to your family, my prayers.

"P.s Ibig kong sabihin sa message ko, Para mag kita tayo. Gusto ko puntahan nya ako, Di ko na na follow up"

Si Pokwang, na kilala bilang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Chokoleit sa showbiz, ay nag-post ng isang painting ng clown na umiiyak.

Walang binanggit na mensahe o pangalan si Pokwang, bukod sa tatlong broken heart na emoji.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COCO MARTIN

Sa Instagram, nag-post si Coco Martin ng group pictures kasama si Chokoleit, na kuha mula sa isang show nila abroad.

Sabi niya sa kanyang caption, "RIP...Chock's mahal kita!!!"

POPS & ENCHONG WITH CHOKOLEIT IN ABRA

Ipinost naman ni Pops Fernandez ang litrato niya kasama si Chokoleit, na kuha ilang minuto bago sumalang ang komedyante sa kanyang huling performance.

Magkasama sina Pops at Chokoleit sa show sa Abra.

Ikinuwento rin ng Concert Queen ang naging pag-uusap nila noong oras na iyon.

"This photo was taken right before chokoleit’s performance in abra. I asked him how he was doing since i haven’t seen him in a long time.

"His reply, 'i am doing very well. I’m in a good place. Nakaipon na po ako.'

"I told him how happy i am for him.......... I am still in shock.

"Chokoleit, thank you for the laughter. You made the people laugh one last time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"RIP  @hot_chokoleit #RIPchokoleit"

Sa Twitter naman, nagbahagi si Angeli Pangilinan ng ilang litrato nina Pops at Chokoleit bago nagsimula ang show nila sa Abra.

Kuwento ni Angeli sa kanyang tweet, "@manila_genesis booked @MsPopsFernandez for this ABRA event & we were unsure as Pops leaves for the USA today. But she finally agreed for as long as she took land transport going home.

"She didn’t realize it was 4 Chokoleit that God sent her there. They bonded an hour b4 he died"

Isa pang nakasama ni Chokoleit sa show nila si Abra ay si Enchong Dee.

Inalala ng Kapamilya actor ang pagyakap sa kanya ng komedyante sa eroplano at bago ito sumalang sa entablado.

Ani Enchong, "Niyakap mo ako sa Eroplano at Niyakap mo pa ko bago ka sumalang sa stage... di ko naman alam na huli na pala yun... mahal kita  my thoughts and prayers to his loved ones"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE MESSAGES

Narito pa ang ilan sa celebrities na nagpahayag ng pagkagulat at pagkalungkot sa pagkalawa ni Chokoleit:

READ: Vice Ganda, Paulo Avelino, Maymay Entrata, other celebs mourn Chokoleit's death

READ: Chokoleit's last words a premonition


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN