Joshua Garcia serenades Julia Barretto at her 22nd birthday party

IMAGE @ic.mendoza / @meetkeso on Instagram

Julia Barretto and Joshua Garcia were inseparable at Julia's 22nd birthday party yesterday, March 9.


Hindi mapaghiwalay ang real-life couple na sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa ginanap na 22nd birthday party ng dalaga kagabi, March 9.

Sa Instagram story ni Maris Racal, makikitang magkayakap ang dalawa habang sumasayaw sa kantang "Your Universe."

Nakuhanan din ang dalawa na nagyakap nang mahigpit nang dumating si Joshua sa party.

Sa Instagram story naman ni IC Mendoza, makikitang kumakanta si Joshua ng "Harana" para kay Julia.

Nang inasar ni IC si Julia ng "Kilig?," nagkunyaring nainis si Julia at saka ngumiti.

Nakuhanan din ng sweet photos ang dalawa sa party.

Ngayong araw, March 10, ipinagdiriwang ni Julia ang kanyang 22nd birthday.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN