Darren Espanto tells fans to stop threatening Jayda Avanzado

IMAGE @darrenespanto / @jayda Instagram

Darren Espanto defends Jayda Avanzado from his fans who are reportedly bashing Jayda Avanzado.


Nagsalita na si Darren Espanto, 17, sa matinding pambabatikos na natatamo ng kanyang kapwa Star Magic artist na si Jayda Avanzado, 15. 

Noong Huwebes, March 7, mismong ina ni Jayda na si Jessa Zaragoza ang umalma sa pagbitiw ng masasamang salita ng isang natukoy na fan ni Darren laban sa kanyang anak. 

Sa pakikipagpalitan ng tweets ng naturang fan sa isang kaibigan nito, inakusahan nilang ginagaya ni Jayda ang ex-Pinoy Big Brother teen housemate at singer na si Ylona Garcia. 

Umabot sa puntong nag-tweet ang kinilalang Darrenatics fan na "kill that girl" laban kay Jayda—na naging sanhi upang mag-alala nang husto ang mag-asawang Jessa at Dingdong Avanzado para sa kanilang anak. 

Inako naman ni Darren ang pagkondena sa mga netizen na nanakot at naninira kay Jayda. 

Tweet ni Darren, noong Sabado, March 9: "Please RESPECT JAYDA and STOP THE HATE." 

Agad na nagpasalamat ang ama ni Jayda na si Dingdong sa pagtatanggol ni Darren sa anak ng veteran singer. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang reply ni Dingdong sa tweet ni Darren: "Thank you for being a true friend to your actions really show what you are really made of.

"Your parents raised you well.

"You have set a good example for others especially your generation to emulate." 

Sina Darren at Jayda ay kilalang magkaibigan at minsan na ring hinangaan nang sila ay mag-duet para sa sarili nilang bersiyon ng "Rewrite The Stars," na sumikat sa hit musical movie na The Greatest Showman

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Jessa Zaragoza calls out bashers for posting death threats to Jayda Avanzado
Jessa Zaragoza calls out bashers for posting death threats to Jayda Avanzado
Darren explains reaction to JK's tweet against him
Darren explains reaction to JK's tweet against him
JK Labajo claps back at his critics over viral video
JK Labajo claps back at his critics over viral video
Darren, JK engage in word war over
Darren, JK engage in word war over "gayness" tweet


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN