Boobay opens up about lessons learned from past mild stroke

IMAGE Noel Orsal

Kapuso comedian Boobay is now more intelligent in handling stress. “Once nararamdaman ko na napapagod na ako, kailangang magpahinga, kailangan may day off."


“Tina-try ko yung best ko na do away from stress, ganyan. Naghahanap ako ng ibang way para makapag-destress.”

Ito ang sagot ni Boobay nang matanong kung paano niya inaalagaan ang kanyang sarili matapos ma-stroke higit dalawang taon na ang nakalilipas.

November 2016 nang isugod sa ospital si Boobay, o Norman Balbuena sa totoong buhay, dahil sa mild stroke.

Sobrang pagod sa pagtatrabaho ang itinuturong isa sa mga dahilan kung bakit na-stroke si Boobay, kaya naman sinisikap niyang huwag abusuhin ang katawan ngayon.

“Once nararamdaman ko na napapagod na ako, kailangang magpahinga, kailangan may day off,” kuwento ni Boobay sa PEP.ph at dalawa pang miyembro ng press noong March 2.

“As much as possible, ginagawa ko talaga yun once na pakiramdam ko, dumadating yun.

“Pag nagkakaedad na tayo, dumarating yung lutang factor na tinatawag," dugtong ng 32-anyos na komedyante.

OUTLET

Isa raw sa pinakamabisang outlet ni Boobay ay ang kanyang alagang aso, si Kendra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung baby ko, yung aso ko, si Kendra. Six years old na.”

Payo pa ni Boobay, “Puntahan mo yung personal [na buhay] mo.

"Balikan mo, baka hinahanap ka na ng side ng buhay mo. At very effective yun sa akin.

“Once pumupunta ako sa… lalo na sa side ng family, balik ako sa family… kasi minsan sobrang busy sa taping, Unang Hirit, ganyan.

“Kailangan may laan talaga for the family, sa loved ones mo, para bukod sa trabaho, mayroon kang personal.”

Hindi na rin daw siya lumalabas sa Unang Hirit nang araw-araw, di gaya ng dati.

“Dati kasi every day ang ibinibigay ko sa kanila, pero after nung nangyari sa akin, pumayag na sila sa akin kung pwedeng M-W-F or T-Th na lang.”

THE BOOBAY AND TEKLA SHOW

Isa pa sa pinagkakaabalahan ngayon ni Boobay ay ang late-night weekend comedy show na The Boobay and Tekla Show, o TBATS, kasama si Super Tekla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Boobay, mas marami siya ngayong offers pagdating sa trabaho, pero mas matalino na raw siya sa pag-handle nito para hindi mapagod nang sobra.

“Kumbaga, parang domino effect 'yan, e, parang chain reaction. Pag once na tuluy-tuloy 'yan, okay naman.

“Ang importante, kayang panindigan at kaya ng katawan.

“Yun naman ang maganda sa amin, binibigyan namin ng importansiya yung health.

“Lagi kaming sinasabihan ng mga boss na, as much as possible, pahinga-pahinga din kayo para maibigay niyo rin yung best niyo during taping o kaya live natin.”


Stories We Are Tracking

Boobay rushed to ICU following stroke
Boobay rushed to ICU following stroke
Boobay leaves hospital after stroke
Boobay leaves hospital after stroke
Boobay, more careful now not to overwork after 2016 stroke
Boobay, more careful now not to overwork after 2016 stroke
Boobay:
Boobay: "Pinagbigyan pa ako ni Lord."

 


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN