Mylene Dizon reveals secret to lasting relationship with boyfriend Jason Webb

IMAGE Rachelle Siazon / @missmylenedizon Instagram

Mylene Dizon says there's nothing to hide about her relationship with boyfriend of almost six years, Jason Webb.


Kinikilig na ibinahagi ni Mylene Dizon na ang boyfriend niyang si Jason Webb ang kanyang longest relationship.

Almost six years na raw silang magkasintahan, pero hindi pa rin nawawala ang tamis ng pag-iibigan nila.

Low-key nga lang sina Mylene at Jason dahil madalang silang mag-post sa social media ng kanilang couple photos.

Paliwanag pa niya tungkol sa kanyang pribadong love life:

"I've always been not the type who like shouting out to the world who I'm going out with.

"And as a person, even my career, I'm just crawling everywhere.

"I'm not a star. So there's nothing to hide. Life is easy, you know." 

Ano ang sikreto sa going strong relationship nila ni Jason?

"Hindi ko alam, e. Ang dami kong relationships in the past," kibit-balikat na sagot ni Mylene.

"I don’t think I'm the person whom people should emulate when it comes to relationships."

Sabay hirit ng aktres, "I guess, the only lesson there is try and try again! Hahaha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mylene pagkatapos ng presscon ng Sahaya, ang bagong GMA-7 prime-time series kung saan gumaganap siyang ina ni Bianca Umali.

Ginanap ang presscon sa Matrix Creations events place sa Quezon City, Lunes ng gabi, March 11.

ON HANDLING RELATIONSHIPS

Aminado si Mylene na ilang beses na rin siyang nabigo sa pag-ibig.

Bago si Jason, tumagal ng four years ang relasyon noon ni Mylene sa singer na si Ira Cruz.

Naging boyfriend din ni Mylene si Paolo Paraiso, ama ng dalawa niyang anak na lalaki. 

Pero sa kabila ng makulay niyang dating history, masasabi raw ni Mylene na mature siya pagdating sa pag-handle ng relasyon nila ni Jason ngayon.

Sabi pa ng 44-year-old actress, "What works? That it's not going to be a better process.

"The acceptance of that fact is one step to, you know, probably having a longer relationship. Because you're not going to be in love forever."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero secure daw si Mylene dahil kabisado na nila ni Jason ang isa't isa.

Malaking bagay rin daw na magkasundo ang mga anak niya at mga anak ni Jason sa estranged wife nito.

Patunay nito ay magkakasama silang nagbakasyon sa Boracay noong December 2018.

SEXY COUPLE

Natawa naman si Mylene nang ipaalam namin sa kanyang maraming PEPsters ang nasorpresa sa pag-post noon ng aktres ng litrato kasama si Jason.

Sweet at sexy silang tingnan sa kanilang mala-yoga na pose, na kinabog ang Instagram-worthy pictures ng younger couples.

Komento ni Mylene, sadyang swak lang talaga sila ni Jason dahil pareho sila ng mga interes sa labas ng trabaho.

"Ayaw naming tumanda. In other words, in denial pa kami!

"We work hard. We stay healthy. And we're both very active.

"He plays basketball. We work out together.

"Or maybe we're just putting a break to health issues and hope that we won't have any, that’s why we're taking care of ourselves."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Mylene ay nagbabalik sa GMA-7 bilang dramatic actress, habang si Jason ay PBA assistant coach at team consultant para sa Magnolia Hotshots Pambansang Manok. 


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN