Angelica Panganiban disappointed in Carlo Aquino; no longer friends with ex

IMAGE @iamangelicap on Instagram

Angelica Panganiban speaks up about Carlo Aquino giving her false hope of rekindling their romance: “Yun naman yun, e. Yun naman yung nararamdaman ko, disappointed."


Pinaasa ba ni Carlo Aquino, 33, si Angelica Panganiban, 32, na muli silang magkakabalikan matapos mabuong muli ang kanilang tambalan noong nakaraang taon?

Isa lang ito sa mga maiintrigang tanong na sinagot ni Angelica nang sundan siya ng ilang entertainment press, kasama na ang PEP.ph (Philippine Enertainment Portal), pagkatapos ng finale presscon ng ABS-CBN daytime show na Playhouse.

Nangyari ang presscon nitong hapon ng Martes, March 12.

Huling dalawang linggo na ng teleseryeng pinagbibidahan din nina Zanjoe Marudo, Isabelle Daza, Maxene Magalona, at Justin James Quilantang.

Sa panayam kay Angelica pagkatapos ng Playhouse presscon, isa-isang sinagot ng aktres ang mga tanong na kaugnay kay Carlo.

Open pa ba siyang makatrabahong muli si Carlo?

“Hindi na muna siguro,” tapat na sagot ng aktres.

“Siguro panahon makakapagsabi. Kung buhay pa siguro ako nun.

"Pagtanda namin, mga Tita Glo, ganun," ani Angelica, pagtukoy sa beteranang aktres na si Gloria Romero, 85.

Magkaibigan pa ba sila ni Carlo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No.”

May komunikasyon pa ba sila ni Carlo?

Umiling si Angelica.

Kailan pa sila nawalan ng komunikasyon?

“Matagal na rin. Basta matagal na rin.”

Paano ang pakikitungo nila sa isa't isa lalo pa't nagkatrabaho sila sa teleserye?

“Civil,” pakli ng aktres.

May panghihinayang ba siya na sa huli ay hindi sila naging maayos ni Carlo?

“Yun naman yun, e. Yun naman yung nararamdaman ko, disappointed,” saad ni Angelica.

Pinaasa ba siya? Umasa ba siyang muli silang magkakabalikan ni Carlo?

Sagot ni Angelica, “Yun ang sabi niya—umasa daw ako. So...”

Nagpaasa ba o umasa si Carlo na magkakabalikan sila?

“Sa lahat naman ng sinabi niya, pinakita niya, yun naman ang hinihintay ko.

“Sabi niya, gusto niyang maging maayos siya.

“Baka inaayos niya ang sarili niya ngayon,” pahayag ni Angelica.

THIRD PARTY?

Sa past interview ng dalawa sa Gandang Gabi Vice noong nakaraang taon, ibinunyag ni Angelica na third party ang naging dahilan kaya sila nagkahiwalay noon ni Carlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muli bang naulit ito ngayon?

Hindi kaagad nakasagot si Angelica.

“Di ko... ayokong sagutin. Hindi makakatulong sa iba,” sabi niya.

Nakaramdam ba siya ng panggagamit sa nangyari sa kanila ni Carlo?

“Mahirap 'yan sagutin. Kailangan pang ipa-analyze.

"Hindi ko pa kayang sagutin sa ngayon," aniya.

May sama ba siya ng loob kay Carlo?

"Noon,” maiksing sagot ni Angelica.

Paano nawala ang sama ng loob niya sa dating boyfriend?

“Wag siyang isipin. Ilayo yung sarili ko.”

THE BACKGROUND

Bandang huling bahagi ng 2018, muling nagkatrabaho sina Angelica at Carlo para sa pelikulang Exes Baggage.

Kasabay nito ay umasa ang kanilang fans na muling magkakabalikan ang dalawa, na kilala rin sa pangalang CarGel.

Anim na taon nagtagal ang relasyon noon nina Angelica at Carlo.

Minsan daw silang naghiwalay, pero naayos nila ito at tumagal pa ng isang taon matapos magkabalikan.

Nang lumabas ang kanilang pelikula, kapansin-pansin ang pagiging sweet nina Angelica at Carlo—sa social media posts man o guest appearances nila sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinasok pa sa Playhouse si Carlo na naging love interest din ni Angelica.

Pero pagpasok ng January 2019, may mga makahulugang posts si Angelica na didistansiya na siya sa dating boyfriend dahil sa pamba-bash sa kanya ng fans ni Carlo.

Lumabas din noon ang mga larawan ni Carlo, kasama ang isang non-showbiz girl, na kuha sa isang beach.

Hindi naman natukoy kung ano ang relasyon ni Carlo sa non-showbiz girl.

Pero pagsapit ng February, tila naayos muli ang pagkakaibigan nina Angelica at Carlo, base sa social media photos at videos kunsaan makikitang magkasama at nag-uusap ang dalawa.

Pero wala nang posts si Angelica tungkol kay Carlo.

Gayunpaman, sinagot ng aktres ang fans ni Carlo na nambabatikos umano sa kanya.

Nitong weekend, nag-post ng mahabang mensahe si Angelica laban sa isang babaeng netizen na sinisira umano ang reputasyon ng aktres.

Base sa komento ng fans ni Angelica, ang babaeng netizen ay fan at naging malapit na kaibigan umano ni Carlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Carlo hinggil sa isyu. 


Stories We Are Tracking

Angelica Panganiban to mystery woman: “Wag kang manakit ng tao.”
Angelica Panganiban to mystery woman: “Wag kang manakit ng tao.”
Angelica on friendly terms with Carlo after issue with fans
Angelica on friendly terms with Carlo after issue with fans
Angelica, Carlo post sweet videos together amid falling out
Angelica, Carlo post sweet videos together amid falling out
Angelica Panganiban heartbroken because of Carlo Aquino?
Angelica Panganiban heartbroken because of Carlo Aquino?


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN