Are Vice Ganda and 'Kuya Escort' Ion Perez already a couple?

IMAGE Courtesy: @praybeytbenjamin / @ion_perezescort on Instagram

Vice Ganda maintains a "funny" love-hate relationship with "Kuya Escort" Ion Perez on the set of It's Showtime.


Kumakalat ngayon sa social media ang balitang umamin na sina Vice Ganda, 42, at Benigno “Ion” Perez, 28, sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Si Ion ay mas kilala sa tawag na "Kuya Escort," na napapanood sa segment na "Miss Q and A" at "Kapare-Who" ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime, kung saan isa si Vice sa main hosts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangyari diumano ang pag-amin nina Vice at Ion sa taping ng weekly late-night program ni Vice na Gandang Gabi Vice, kagabi, March 12.

Saksi raw sina Charo Santos at Bea Alonzo sa pangyayari dahil guests ang dalawa sa show para i-promote ang kanilang pelikulang Eerie.

Ayon sa ilang netizens na nag-post ng mga larawan, umamin si Ion sa relasyon nila ni Vice dahil nahihirapan na raw siya sa mga nagtatanong sa kanya tungkol sa real score nila ng TV host-comedian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsimula ang pagkakamabutihan nina Vice at Ion sa set ng It's Showtime, kung saan sila tinutuksu-tukso ng kanilang mga kasamahan.

Si Ion ay kinoronahang Mr. Universe Tourism 2018 noong June 2018.

Siya ay mula sa Capas, Tarlac.

Si Vice naman ay ilang beses nang naugnay sa ilang male stars, ngunit walang nakumpirma kung nagkarelesyon nga ba siya sa mga ito.

Marami naman ang umaasang totoo ang balita dahil nagpapatunay raw ito sa tunay na kahulugan ng #LoveWins.


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN