Chokoleit was a super-fan of Superstar Nora Aunor, reveals his brother

IMAGE Jerry Olea / Instagram

Chokoleit's half-brother Gerald Tabanag recalls some of his most memorable moments with the late comedian.


Once and for all ay nilinaw namin kung ilang taon si Chokoleit nang pumanaw.

Sa tribute kasi ng ASAP Natin ‘To last Sunday ay June 25, 1972 ang nakalagay na birthdate nito.

“Forty-eight [48],” mabilis na tugon ni Gerald Tabanag, half-brother ni Chokoleit, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa second night ng lamay ng komedyante, Marso 12, Martes, sa isang punerarya sa Antipolo City.

“1970 siya, e. Mali yung lumabas.”

Dagdag-bawas ba yun? Showbiz age?

Si Gerald ang 46-year-old, ipinanganak noong 1972.

Apat silang magkakapatid—ang panganay na si Chokoleit, sumunod sina Gerald, Buboy, at Gilda.

Mula pagkabata sa Matina, Davao City, ay close na sina Chokoleit at Gerald.

“Naaalala ko, gusto niyang sumali dati ng mga beauty pageant, sa mga Miss Gay sa lugar namin,” napangiting sambit ni Gerald.

“Kaso, hindi siya pinapasali. Sinasabihan siya, ‘Huwag dito! Doon ka sa parlor games!’ Ginaganun siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DIE-HARD NORANIAN

Bagets pa lang si Chokoleit ay mahusay at matalino na ito sa pagpapatawa.

Nakatapos ng high school si Chokoleit. Hanggang first year lang ito ng kursong Commerce sa Rizal Memorial College sa Davao.

Isa rin siyang die-hard fan ng Superstar na si Nora Aunor, kahit mas malapit siya sa Megastar na si Sharon Cuneta.

“By 16... 17, lumuwas na siya ng Manila. Nagtrabaho siya kay Ricky Reyes,” salaysay ni Gerald.

“Gusto niyang mag-artista. Dati pa, gusto niyang mag-artista.

“Noong bata kami, pag natutulog ako... kasi Noranian iyan... sinasampal ako niyan!

“Umaakting siya. Ginagaya niya ang classic lines ni Nora.

“Gusto niya si Nora kasi magkakulay sila. Yun ang nagustuhan niya.

“Kahit kaibigan niya si Sharon, sasabihin ko talaga, Noranian siya!

“Ako ang Sharonian! Ako ang Sharonian! Siya, Noranian talaga!

“Ipinaglalaban niya yun! May radio station doon [Davao], ‘tapos, kunyari, gusto mo si Nora o si Vilma [Santos], ide-defend mo.

“Iyon, narinig ko talaga siya na nagsalita dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bata pa kami nun. Naririnig ko siya. Nora siya. Nora talaga.”

Darating kaya si Nora sa lamay ng kanyang super-fan, na bata pa lang ito ay ipinaglalaban na siya?

“E, si Sharon daw ang dadalaw. Yun ang sabi. Umiyak pa raw ngayon,” sambit ng mega-Sharonian na si Gerald.

Nagkasama sina Sharon at Chokoleit sa pelikulang BFF: Best Friends Forever (2009), na nagtampok din kina Ai-Ai de las Alas at John Estrada.

“Dumalaw pa si Sharon sa bahay dati,” pakli ni Gerald.

“May shooting siya. Gusto lang makita, dumaan si Sharon sa bahay sa Town and Coutry Homes,” pagtukoy ni Gerald sa bahay ni Chokoleit sa Cainta, Rizal.

Dagdag niya, “Dapat, may US tour sila ni Sharon. Kaya siya nag-e-exercise, kasama siya sa US tour.”

LAST NIGHT IN ANTIPOLO

Bukas ng gabi, Marso 14, ang huling lamay sa Antipolo City.

Ipapa-cremate na ba ang remains ng “Mahal Na Reyna”—taguri ni John “Sweet” Lapus kay Chokoleit—bago ang homecoming sa Davao?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No!” mabilis na sagot ni Gerald. “Gusto nilang makita yung... iba pag body talaga, kesa sa yung urn.”

Dalawang gabi, Biyernes at Sabado, ang burol sa “Mahal Na Reyna” sa Cosmopolitan Funeral Homes.

Welcome sa burol ang lahat, maski na yung mga ayaw itong pasalihin sa Miss Gay beauty pageant noon.

Sa Linggo, Marso 17, ang cremation.

Ibabalik ang cremains ni Chokoleit sa bahay nito sa Cainta, kung saan naroon din ang ashes ng kanilang ina.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close