Manny Pacquiao knocks down rumors linking him to sexy stars


Manny Pacquiao definitely likes to live his life to the full—from boxing ring to recording studio, then political arena, and now, the showbiz world. He invested P10M on his upcoming movie with Ara Mina, Anak ni Kumander.


Napangiti lang ang boxing champ Manny Pacquiao sa isyung nag-uugnay sa kanila ni Ara Mina.

Aware si Manny na mabubuhay ulit ang tsismis sa kanila noon ni Ara ngayong halos araw-araw ay magkasama sila sa pelikulang Anak ng Kumander. Producer at actor dito si Manny.

"Nag-start na kami ng shooting last two weeks pa. Kaya siguro kami nasusulat na laging magkasama dahil sa shooting ng pelikula namin," paglalahad ni Manny no'ng makausap namin siya sa birthday party ni Cristy Fermin last Monday, July 23.

Aside from Ara, kasama rin nila sa bago niyang pelikula sina Valerie Concepcion, Lara Morena, Efren Reyes Jr., Perla Bautista, Dante Rivero at Long Mejia. Si Kaka Balagtas ang director ng naturang action movie.

Puspusan na raw ang shooting nila dahil kailangan na niyang maghanda sa susunod niyang laban sa Oktubre, sa Mandalay Hotel, Las Vegas.

This week, magsisimula na raw siya sa kanyang training. Next month naman ay aalis siya patungong Wildcard Gym sa US para doon ipagpatuloy ang kanyang puspusang pag-eensayo.

Nakaapekto ba sa kanyang morale ang pagkatalo niya last election?

"Hindi," sabi niya. "Ano ako ngayon, e, inspired ako."

Bakit siya inspired?

"Dahil alam ko sa aking tagumpay maraming Pinoy na matutuwa," tugon ng tinaguriang Pambansang Kamao ng Pilipinas.

Going back sa bago niyang pelikula, naka-ten shooting days na raw sila.

"Actually, kayo ako nag-produce ng movie kasi nag-isip ako kung paano ako makakatulong sa ibang tao, 'yung mga wala pang trabaho."

Sa estado ni Manny sa buhay, may mga nagsasabi na hindi na niya kailangang mag-produce ng pelikula. May comment dito si Manny: "Alam mo, para ma-experience ko rin ang maging isang producer. Ma-experience ko kung ano ang pakiramdam."

Hindi lang daw ngayon siya magpro-produce dahil simula pa lang daw 'to. Aniya, "Tuluy-tuloy na 'to. Gusto ko kasi, ah ...Unang-una, nawawala na ba 'yung mga ano natin, e, mga nagpro-produce. Konti na lang ang nagpro-produce dito sa Pilipinas. Parang way rin ito para makapagbigay ng inspirasyon sa ibang producer para magbalik ‘di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkano ang budget niya for this movie? "Ah, malaki rin. Hindi ko tinitipid ang movie ko, e. So far, malaki-laki na rin. Uh, almost P10 million".

Bukod kay Ara, natsismis din si Manny sa sexy star na si Ynes Veneracion.

"Hindi totoo ‘yun," sabay tawa ni Manny. "Kaibigan ko lang ‘yun, ano. Once pa lang kami nag-usap sa phone. 'Yun lang yun. Hindi pa kami nagkita."

Niregaluhan daw niya ng sasakyan si Ynez?

"Uy, hindi huh! Hindi pa kami nagkita, nag-usap lang kami sa phone," ang mabilis nitong sagot.

Alam ni Ynez ang number niya?

"Hindi, 'yung kaibigan ko, kausap niya si Ynez tapos pinakilala niya sa akin sa phone."

Nang tanungin kung alam ni Jinky na nag-usap sila ni Ynez, "Alam naman niya na nag-usap kami. Once lang."

Kinuha rin namin ang reaksiyon ni Manny ngayong pinalitan na siya ni Sarah Geronimo bilang endorser ng Extreme videoke. According to a source, sinabi ng taga-Extreme na hindi nakatulong si Manny para mapaangat ang benta ng nasabing produkto.

"Expire na ang kontrata ko. 'Tsaka kaibigan ko rin naman 'yung may ari ng ano, e. Barkada ko, e. Okey lang naman sa akin," paliwanag ni Manny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN