Yasmien Kurdi all set to graduate from college this April

IMAGE Noel Orsal

Yasmien Kurdi is all set to graduate from Arellano University this April, after finishing her course in Political Science. The actress is proud of finishing her studies despite her busy showbiz schedule.


Marami ang humanga kay Yasmien Kurdi dahil kahit abala siya sa showbiz ay nakapagtapos siya ng kursong Political Science sa Arellano University.

Unang nagtapos ng Nursing si Yasmien ilang taon na ang nakakaraan.

Kuwento niya, “Na-credit po kasi yung mga subjects ko rin sa Foreign Service.

“Di ba, una ko po Foreign Service? 'Tapos, ilang years din po yun

"'Tapos, nag-Nursing po ako, 'tapos…”

Ilang units na lang ang binuo niya para sa Political Science course niya?

“Hindi ko nabilang kung ilang units, pero ang kapal ng TOR [transcript of records] ko,” estima niya.

Isang taong tinapos ni Yasmien ang Pol Sci.

Lahad niya, “During Hindi Ko Kayang Iwan Ka, nagka-klase ako.

“Sinasabay ko po kaya pagod na pagod po ako nung HKKIK.

“'Tapos, nung nag-Cain at Abel ako, tinodo ko po, kasi special participation lang ako dun.”

NOBLE MISSION

Bakit Political Science? Mag-a-abogada ba si Yasmien?

Pagklaro niya, “Hindi po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi di ba dati kumuha ako ng Foreign Service?

“Na-inspire kasi ako dahil... di ba tumira kami dati sa Kuwait?

“'Tapos, nasa war zone kami dun, nasa Gulf War kami...

“'Tapos, nakita ko yung mga struggles ng mga OFW, Overseas Filipino Workers...

“'Tapos, yung mom ko din po mismo naging OFW. Nakita ko po na hindi ganun ka-fair yung treatment sa mga kababayan natin dun.

“Parang sabi ko noon, baka puwede ko silang matulungan in the future in my own little way kung kaya ko, kung hindi na ako artista.”

Mag-a-abogada nga siya?

Pagklaro niya, “Hindi po, e.

“Ang naiisip ko po ngayon is something like baka mag-masteral po ako sa Consular Diplomacy or International Studies.”

Tinanong namin kay Yasmien kung nakakatulong yun sa mga OFWs?

Aniya, “Opo, lalo na po marunong po akong mag-Arabic, so kaya ko silang…”

Napaka-noble naman ng intensiyon ni Yasmien.

“Ayun, kung mabibigyan ng chance,” dasal niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa April 6 ang graduation ni Yasmien ng Pol Sci.

Noong nag-Nursing siya ay nag-capping at pinning ceremony na si Yasmien.

Pakli niya, “Nag- duty na rin po ako, hindi po ako nag-board.”

Kapag nag-masteral siya sa Political Science, gaano katagal ito bago matapos?

Pahayag niya, “Meron po silang ino-offer na parang every Saturday class

“Di ba ganun lang naman po ang masteral?

“'Tapos, mga 1-2 years siguro matatapos na.”

Naganap ang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Yasmien sa grand presscon ng Hiram na Anak sa GMA Network Center noong February 18.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN