Kaye Abad has not bumped into John Lloyd Cruz in Cebu

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Kaye Abad on ex-boyfriend John Lloyd Cruz: "Baka ayaw na ng tadhana na magkita kami. Kasi, maayos na ang mga buhay namin."


Natawa si Kaye Abad nang tanungin kung hindi ba niya nakikita sa Cebu ang dating boyfriend at ka-love team na si John Lloyd Cruz. 

Pareho nang nakabase sina Kaye at John Lloyd sa Cebu kapiling ang kani-kanilang pamilya.

Si Kaye ay kasal na sa dating Pinoy Big Brother housemate na si Paul Jake Castillo. Mayroon silang isang anak na lalaki, si Pio Joaquin.

Si John Lloyd naman ay kapiling ang aktres na si Ellen Adarna at ang kanilang anak ding lalaki, si Elias Modesto.

Parehong tubong-Cebu sina Paul Jake at Ellen.

“Hindi pa naman kami nagkikita,” sabi ni Kaye nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa grand mediacon ng bagong morning serye ng ABS-CBN under RSB Unit, ang Nang Ngumiti ang Langit, sa 9501 Restaurant ngayong Martes, March 19.

Sa liit ng Cebu, hindi pa sila nagkikita?

Sagot ng aktres, “Hindi ko alam, palagi naman akong nasa labas, pero hindi ko talaga siya nakikita.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang daming nagtatanong niyan, pero hindi pa talaga kami nagkikita."

Dagdag niya, “Baka ayaw na ng tadhana na magkita kami. Kasi, maayos na ang mga buhay namin.”

JUST WAITING FOR SARAH

Ano ang reaksiyon ni Kaye na parang pareho sila ng naging kapalaran ni John Lloyd at parehong naka-base na ngayon sa Cebu?

“Pinili naman niya yung kapalaran niya na yun!” natawang sabi niya.

"The same time na pinili ko rin yun.

"Pero ang liit-liit ng Cebu, pero hindi talaga kami nagkikita.”

Kahit may events sa buhay nila, lalo na't magkaibigan din naman sina Ellen at Paul Jake, wala yung effort na magkita, mag-communicate sila?

“Wala rin,” sabi ni Kaye.

Biro pa niya, “Si Sarah Geronimo na nga lang ang hinihintay namin! Chos!”

Nasabi ito ni Kaye dahil ang boyfriend ni Sarah na si Matteo Guidicelli ay isa ring Cebuano.

Sina John Lloyd at Sarah ay nagtambal sa ilang box-office hit movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil pare-pareho na silang sa Cebu naninirahan, hindi ba nila naiisip mag-reconnect, magkita-kita rin?

Ayon kay Kaye, “Wala… ewan ko, ha, hindi na kami in touch ni Lloydie. 

"Si Ellen at si Paul Jake, friends sila, pero hindi rin ganun, like, barkada na they hang-out, wala.”

Ang huling komunikasyon pa raw nina Kaye at John Lloyd ay si Angelica Panganiban pa ang girlfriend ng aktor.

Masaya raw si Kaye para sa dating nobyo.

Pagtukoy kay John Lloyd, ani Kaye, “Oo, may anak na rin siya… at lahat kami, may pamilya na.”

KNOWING JOHN LLOYD

Sa pagkakakilala ni Kaye kay John Lloyd, nagulat ba siya o hindi nang malamang nag-leave o nag-quit muna ito sa kanyang pagiging artista?

“Hindi… hindi ako na-surprise,” sabi ng aktres.

“Kasi, parang noong nag-uusap kami, siya ang tipo na kapag okay na siya, like, yung ready na siya, hindi ito ang gagawin niyang pangkabuhayan—ang show business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, nakaipon na siya. Gagawa siya ng sarili niyang business.

“Hindi yung pag-aartista ang gagawin niyang source of income.”

NO REGRETS

Sa kaso naman ni Kaye, wala rin daw siyang pagsisisi at masaya siya buhay niya ngayon sa Cebu kapiling ang asawang si Paul Jake at ang kanilang anak na si Joaquin.

“Masaya, kuntento,” nakangiting sabi niya.

“Palagi nila akong tinatanong and, kung tutuusin, mas gusto ko dun. Kasi, very laid back.

"It’s a combination of province and city life.

"Na kung gusto mong mag-beach, mag-farm, ang lapit lang lahat.  

"Kung gusto mo ng city, nandoon na rin naman ang mga malls, nandoon na rin naman lahat.

“Mas relaxed ako ngayon.”

Kung ano ang pinapangarap niyang buhay noong dalaga pa lang siya, nagkatotoo naman daw lahat.

“Nagpapasalamat ako kay Lord dahil parang natupad lahat ang pinapangarap ko—magkapamilya, magkaanak, maging housewife. 

"Sabi ko nga, natatakot ako. Kasi, parang ibinigay Niya talaga lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman sanang kapalit," sambit niya.

Bago nagkaroon ng relasyon sina Kaye at Paul Jake, matalik muna silang magkaibigan.

Sang-ayon ba si Kaye sa kasabihang "It’s best to marry your best friend"?

“Oo naman,” mabilis niyang sagot.

“Kasi, iba yung foundation niyong dalawa. Yung alam niyo ang flaws ng isa’t isa.

"Pinasok namin ang relasyon na alam namin na ito ang mga flaws ko, 'yan ang flaws niya.

"So, noong naging mag-asawa kami, makita man namin ang ugali ng isa’t isa, e, ganyan talaga siya. 

“Pinakasalan ko siya na hindi yung, ngayon ko lang siya makikita na ganyan siya.”

Sabi pa ni Kaye, “Hindi ko nire-regret that I left show business for a while.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN