Sunshine Dizon, Timothy Tan answer former yaya’s allegations aired on Tulfo show

IMAGE @m_sunshinedizon Instagram

Sunshine Dizon on former yaya's claims that she and Timothy Tan allegedly mistreated her during her employment in their household: "Their is always two sides in the story but i rather not explain anymore because hahaba lang ang storya at mahinirapan na din sya maka kuha ng trabaho pag nagsalita ako at lahat ng kasama nya dito.Besides people will believe what ever they want to believe."


Inalmahan ng mag-asawang Sunshine Dizon at Timothy Tan ang reklamo ng dating yaya ng mga anak nila na basta na lang umano itong inalis sa trabaho at hindi pa pinahintulutang makuha ang mga naiwang gamit sa pinagsilbihang pamilya.

Isinumbong ng nagpakilalang Anabel Agullo ang kanyang mga hinaing sa radio show at digital streaming ng Raffy Tulfo In Action nitong March 18, 2019.

Si Anabel ay namasukang "yaya" ng mga anak nina Sunshine at Timothy. 

Inilahad niyang nag-day off siya noong March 2, Sabado ng hapon.

Linggo ng gabi, March 3, inaasahang makakabalik na siya sa bahay ng mga amo. 

Trinangkaso raw si Anabel kaya hindi siya nakapasok sa trabaho.

“Aminado ako na may pagkakamali ako,” sabi ni Anabel.

Inamin din niyang hindi siya nagpaalam na hindi siya makakapasok at hindi rin niya nasagot ang tawag ni Timothy noong umaga ng March 4, Lunes, gayong responsibilidad niya ang pag-asikaso sa mga anak nito.

Pero reklamo ni Anabel, hindi raw totoo ang bintang sa kanya ni Timothy na itinakas niya ang iPhone 5 cellphone na ipinapagamit sa kanya para sana’y makontak siya sa oras ng pangangailangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lang daw na-check ni Anabel na may missed calls at text messages na pala sa kanya si Timothy dahil nasa bag niya ang cellphone noong Lunes na iyon na siya ay tinatrangkaso.

Sinermunan siya ni Tulfo na natural lang na magalit ang kanyang amo.

Giit ni Tulfo kay Anabel, mali na hindi man lang chineck ang kanyang cellphone dahil ipinahiram nga raw ito para mas mabilis sana ang komunikasyon nina Anabel at Timothy in case of emergency.

Sinabi rin ni Tulfo na mali na sinisisi pa ni Anabel ang sariling anak na hindi umano sinunod ang utos niyng kontakin si Timothy at sabihing hindi siya makakapasok sa trabaho.

RETURN OF PERSONAL BELONGINGS

Tinawagan ni Tulfo si Timothy upang alamin ang bersiyon nito ng insidente sangkot ang nagrereklamong yaya.

Kinumpirma ni Timothy na hindi niya makontak si Anabel sa kabila ng makailang-beses na pagtawag niya rito.

Ayon pa kay Timothy, hindi totoo ang alegasyong tumanggi siyang ibalik ang mga gamit ni Anabel na naiwan sa kanyang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko hinold ang gamit niyan.

“Actually, the other day, yung barangay tumawag sa akin. Ang sabi ko, bayaran niya yung utang niya.

“Iturnover ko sa barangay lahat para may proper documentation also.”

May balance pa raw na PHP3,300 si Anabel sa inutang nitong P12,000 kay Timothy.

Kinontra ito ni Anabel.

Sa pagkakaalam daw ni Anabel ay P2,000 na lang ang kanyang balanse, pero idinagdag umano ni Timothy ang hindi niya pagpasok sa trabaho nang magbakasyon siya sa probinsiya noong January 2019.

Sa puntong iyon, sinabi ni Tulfo na magharap sina Timothy at Anabel sa barangay upang ma-settle kung anuman ang natitirang utang ng dating kasambahay.

Pumayag naman si Timothy.

SSS AND PHILHEALTH SHARING

Pero nang maibaba ang telepono, saka isiniwalat ni Anabel ang isa pa niyang hinaing na pilit umano siyang pinapipirma ng kontrata ni Timothy.

Ipinakita niya ang isang papel na may kasunduang nagsasabing nabayaran na ni Timothy ang Social Security System (SSS) at PhilHealth ni Anabel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kontra ni Anabel, “Hindi naman po totoo na ibinayad niya ako sa PhilHealth at SSS. Nakikiusap nga ako sa kanya diyan.”

Hindi raw kailanman hinulugan ni Timothy.

Kontra-pahayag ni Timothy, “Last year, Sir, pinapaayos ko sa kanya 'yan dahil gusto niya magkaroon siya ng SSS at PhilHealth, in which karapatan niya yun under the law.

“So ngayon, sabi ko, lakarin niya, kasi siya ang may alam kung saan niya gusto lakarin. Actually, nag-o-off 'yan ilang araw.

“'Tapos pati participation, itinawag ko sa accountant ko kung paano ang sharing. Ibinigay ko sa kanya yung pera nun.”

Kinontra ulit ito ni Anabel at sinabing PHP300 lang ang ibinigay sa kanya ni Timothy para sa share nito sa kanyang PhilHealth, matapos ang umano’y matinding pakiusapan mula January hanggang March 2018.

Pero lumalabas na hindi raw tuluy-tuloy ang pagbibigay ni Timothy ng share nito bilang employer.

Giit naman ni Timothy, “Basta ako’y nagbigay ng pera voluntarily sa kanya. Hindi naman recorded din on my half, it’s OK.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HEALTH CONCERNS

Ang huling inireklamo ni Anabel ay akusasyong ni hindi man lang daw siya ipinagamot ni Timothy noong panahong nais ipa-check ni Anabel kung may tumubong bukol sa kanyang dibdib malapit sa kanang braso. 

Kontra ulit ni Timothy, sinabihan daw niya si Anabel na irerekomenda niya ito sa isang surgeon sa isang “magandang ospital” para ma-check ang kanyang kondisyon.

Pero si Anabel daw ang nag-insist na magpa-check ito sa ospital na malapit sa lugar na tinitirhan nito.

Sa huli, sinabi naman ni Anabel na “walang nakapa” na bukol sa kanyang dibdib, pero inirekomenda ng doktor na magpahinga siya ng one week dahil mayroon siyang “muscle spasm.”

Nakuha raw iyon ni Anabel dahil sa pagbubuhat ng mabigat na mineral water nang siya ay manilbihan sa bahay nila Timothy.

Makailang-beses pinabulaanan ni Timothy ang akusasyon ni Anabel.

Sabi pa ni Timothy, “Sa akin, Sir, hindi ako madamot pagdating sa ganyang bagay lalo na’t alam natin na para sa kalusugan at tagapag-alaga ng mga anak ko iyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero reklamo ulit ni Anabel, “Nagka-UTI po ako sa bahay nila. Ako po’y umihi ng may patak ng dugo. Kahit tawagan niyo yung dati kong kasama…

“Sir, nagpaalam po ako sa inyo. Sabi ko, Sir, di na po ako makakasama dahil nilalagnat na ako.’”

Sumbong pa niya kay Tulfo, “Ni piso, Idol, hindi niya ako binigyan. Kung wala pong isang libo yung kasama ko, hindi ako makakapagpagamot.”

Iginiit naman ni Timothy na kung sana’y nasabi iyon sa kanya ni Anabel ay naipagamot sana agad ito.

"Sinabi mo ba? Wala kang sinabi sa akin. Alam mong hindi ako madamot pagdating sa pera.”

Kontra-pahayag ulit ni Anabel, "Dumating ako, dala-dala ko yung resulta ng urine test. Ni piso hindi niya ako binigyan ng pampagamot.”

Hindi magkasundo ang dalawa dahil giit pa rin ni Timothy hanggang sa huli, “Hindi ko alam. Kung sinabi niya sa akin 'yan, walang problema, napakadali." 

Sa huli, inihayag ni Tulfo na hindi na talaga maaaring manatili pa si Anabel sa pagtatrabaho para kay Timothy dahil sa kanilang sigalot. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang solusyon na inilatag niya ay bayaran ni Timothy ang share nito bilang employer sa SSS at PhilHealth ni Anabel noong panahong nanilbihan ito bilang yaya ng mga anak nina Timothy at Sunshine. 

Sabi ni Timothy: "Walang problema sa akin, Sir.

"Honestly, hindi recorded sa akin kung magkano ang mga naibigay ko at kung naihulog niya nang tama.

"Kasi ang naging usapan namin dun, 'Let me know, babayaran kita quarterly para isang bagsakan na lang." 

Pumayag naman si Timothy na magharap sila ni Anabel sa barangay kasama si Tulfo upang mapag-usapan ang total contribution ni Timothy sa SSS at PhilHealth ni Anabel. 

Pagkababa ng telepono, sinabi ni Tulfo kay Anabel na siya na lang ang bahalang magbayad ng PHP3,300 na utang nito kay Timothy. 

Sinubukan ng show ni Tulfo na makapanayam din si Sunshine, pero nabigo silang makontak ang aktres. 

SUNSHINE DIZON'S STATEMENT

Sa kabilang banda, dalawang netizens na nakapanood ng show ni Tulfo ang nag-iwan ng komento sa  comments' section ng isang Instagram post ni Sunshine. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binatikos ng mga ito ang diumano'y pagsasawalang-bahala nina Sunshine at Timothy sa dating tagapag-alaga na umaapelang mabigyan ng karampatang benefits nito. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nagpatinag si Sunshine sa panghuhusgang ipinupukol sa kanya. 

Dire-diretsong paliwanag ni Sunshine tungkol sa sigalot nila ng dating yaya ng kanyang maga anak:

"That is being settled already. Ang pagkakamali namin ay umasa kami na maayos ang usapan namin na quarterly babayaran namin sa kanya yung SSS na dapat kami na gumawa, we wanted for her to file as an individual para nga sana malaki makuha nya benefits. 

"There is always two sides in the story but i rather not explain anymore because hahaba lang ang storya at mahinirapan na din sya maka kuha ng trabaho pag nagsalita ako at lahat ng kasama nya dito. 

"Besides people will believe what ever they want to believe.

"Kayo nga di nyo alam ang buong storya naka pag come up na kayo ng opinion nyo.

"And useless to argue with people who are manipulative and vindictive they will always find a way to twist your words to get what they want.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just wish her well at makakita sya ng maayos na mapasukan. Tamihik at mapayapa na din kami na wala na po sya dito sa amin." 

SUNSHINE AND TIMOTHY'S MARITAL STATUS

Hindi malinaw kung iisa ang tinitirhang bahay nina Sunshine at Timothy, dahil hindi kaila sa publiko na hiwalay ang dalawa dahil sa isyung third party noong mid-2016. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa panayam ng PEP.ph kay Sunshine noong January 2019, sinabi nitong hindi pa siya nagpa-file ng annulment para pormal na hiwalayan si Timothy. 

Civil naman daw sila at maayos ang pakikitungo sa isa't isa lalo na't pagdating sa kanilang dalawang anak. 

Pero dahil sa isyu sangkot ang yaya ng kanilang mga anak, may ibang kumuwestiyon sa set-up at marital status ngayon nina Sunshine at Timothy. 

Tila deleted na ang komento ng detractor ni Sunshine, pero mababasa pa rin ang reply ng Kapuso actress. 

Kinumpirma ng aktres na hindi pa sila annuled ni Timothy dahil ayaw nitong makipaghiwalay sa kanya. 

"wala po kayong pakelam sa buhay ko at set up namin ng asawa ko. Wala kayong alam sa buhay namin.

"I repeat ASAWA dahil walang annulment. Hindi din ako binibigayan ng annulment ng asawa ko.

"Wala kayong pakealam kung mag tiis ako at pag tiisan ko kung ano man nagawa sa akin kasi choice ko yun kung gusto kong habang buhay maging kabit ang mga kabit," prangkang pahayag ni Sunshine. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inalmahan din ng aktres ang pakikisawsaw ng ilang netizens na para bang alam daw nito ang nangyayari sa buhay niya. 

"Ang asikasuhin nyo buhay nyo hindi yung kung saan saan kayo nikikisawsaw at nag mamagaling.

"You People are of a special kind of breed, ang lungkot siguro ng buhay mo para pag aksayahan ako ng oras.

"wala kang alam sa sakripisyo ng isang ina na lulunukin ang lahat para sa mga anak nya. Isa pa

"Pinakaelaman ko ba ang buhay mo? Tigilan nyo ako atupagin nyo na wag kayong lukohin ng mga asawa nyo." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito. 


Stories We Are Tracking

Sunshine pursues case against hubby's alleged mistress
Sunshine pursues case against hubby's alleged mistress
Sunshine Dizon admits hesitation in filing for annulment
Sunshine Dizon admits hesitation in filing for annulment
Sunshine Dizon, hindi isinasara ang pinto para sa pagbabalikan nila ng mister
Sunshine Dizon, hindi isinasara ang pinto para sa pagbabalikan nila ng mister
Sunshine Dizon reveals reason why she doesn't accept suitors
Sunshine Dizon reveals reason why she doesn't accept suitors


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN