TAPE executive clarifies speculations about Maine Mendoza's absence from Eat Bulaga

IMAGE Noel Orsal

TAPE executive Malou Choa-Fagar explains that Maine Mendoza's schedule affected her presence on Eat Bulaga!


Nasa pilgrimage ngayon sa Jordan ang Eat Bulaga! Dabarkads at executives.

Kabilang sa mga ginawa nila roon ay ang magpabinyag gamit ang tubig sa Jordan river at mamasyal sa ilang historical at Biblical sites.

Kahapon, March 19, nag-post ang TAPE executive na si Malou Choa-Fagar ng isang group shot nila.

Caption niya rito: “Dabarkads at Petra. Missing Maine.”

Nagtaka ang ilang netizens kung bakit wala sa group photo si Maine Mendoza, gayong kasama nila itong nagpunta sa Jordan.

Kaagad na tinanong ng showbiz columnist na si Allan Diones si Malou kung nasaan na si Maine.

Sagot ng TAPE executive, “Back to Manila yesterday. May shoot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot din ni Malou ang katanungan ng ilang netizens tungkol sa ilang araw nang pagkawala ni Maine sa Eat Bulaga!

Nataon kasing nawala si Maine sa programa ilang araw pagkatapos nitong aminin na "exclusively dating" na sila ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Ang ka-love team ni Maine na si Alden Richards ay patuloy pa ring napapanood sa Eat Bulaga!.

Isang netizen ang tila nakiusap kay Malout na "ibalik" na si Maine sa noontime show. 

Mensahe ni @raquel.manto.1, “Mam malou, pls ibalik nyo na si meng sa eat bulaga mahal na mahal namin sya ,for she's being real,miss her so much.”

Paglilinaw naman ng lady boss ng TAPE, “@raquel.manto.1- we did not take her out. It’s her sked that does not permit her to attend the show.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong naman ni @edith59c, “Ano po b ang sked ni maine?db po daddy gurl lang un taping ny? cyempre po kyo ang nkakaalam ng sked ni maine kc under cy ng management ninyo.tnx

Tugon ni Malou, “@edith59c- hindi ako part ng management ni Maine.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MALOU CHOA-FAGAR REACTS

Humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng karagdagang pahayag kay Malou tungkol sa madaliang pag-uwi ni Maine sa Pilipinas galing Jordan.

Sagot niya sa amin, sa pamamagitan ng text messaging, ngayong hapon ng Miyerkules, March 20, “She told me she had a TVC shoot so she left earlier.”

Ano ang dahilan kung bakit ilang araw nang wala ang Phenomenal Star sa Eat Bulaga?

Ayon kay Malou, “Hindi ko alam ang reasons, I am not part of her management team.

“Ask Triple A na lang.”

Ang Triple A ang namamahala sa career ni Maine.

Kaagad naman naming hiningan ng pahayag si Rams David ng Triple A sa pamamagitan ng Facebook at text messaging.

Pero hindi pa siya tumutugon sa aming mensahe.

Ngunit noong March 7, pinabulaanan na ni Rams ang mga espekulasyon tungkol sa pagkawala ni Maine sa Eat Bulaga.

Sabi niya sa kanyang Facebook post: “Kesyo Suspended, Tinangal at Lumipat. Wala pong totoo kahit ano po dyan. #lovelivelove mga Beshie.” 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

">


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN