Claudine Barretto still friends with Kris Aquino who unfollowed her on IG; Gretchen reacts

IMAGE Courtesy: @gretchenbarretto / @krisaquino on Instagram

Claudine Barretto maintains that her friendship with Kris Aquino is okay despite the latter unfollowing the former on Instagram.


Sa Instagram Live ng magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto—na nagsimula ng maghahatinggabi ng March 20 at nagtapos ng madaling-araw ng March 21—natanong si Claudine kung okay ba ang pagkakaibigan nila ni Kris Aquino.

Maiksing sagot ni Claudine, “Yes.”

Ito ay sa kabila ng pag-unfollow ni Kris kay Claudine sa Instagram.

Sa search button ng "Following" sa Instagram account ni Kris, kapag ita-type mo ang "claubarretto" na account ni Claudine ay hindi na lalabas ang kanyang pangalan sa mga pina-follow ng web star/endorser.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero si Claudine ay nananatiling naka-follow pa rin kay Kris.

GRETCHEN BARRETTO REACTS

Habang nagsasalita si Claudine sa kanilang Instagram Live tungkol kay Kris, hindi naman sumagot si Gretchen.

Ito ay sa kabila na may “social media war” ngayon sina Gretchen at Kris.

Si Kris ay pinsan ng long-time partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Gretchen, silang magkapatid ay hindi pinag-uusapan at pinakikialaman ang kaibigan ng isa’t isa.

“Alam mo, kami, may usapan kami ni Claudine.

“I understand her life, her friends.

"Her friends are her friends.

“My friends can be her friends, but we don’t, I don’t... she doesn’t have to be angry at an enemy or somebody who has done me wrong in the past.

“I stop there.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-ugat ang social media war nina Gretchen at Kris dahil sa pagkampi ng una kay Nicko Falcis.

Si Nicko ay dating business associate ni Kris na inakusahan niyang gumamit nang walang paalam ng company credit card ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).

Sinampahan ni Kris si Nicko ng reklamong qualified theft at violation of Republic Act No 8484 sa pitong prosecutor's office sa Metro Manila.

Tatlong city prosecutor's office na ang nagbasura sa reklamo ni Kris—Makati, Pasig, at Taguig.

Ngunit sinampahan ng Taguig City Prosecutor's Office ng kasong estafa at credit card fraud si Nicko.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN