Edgar Allan Guzman goes public with his feelings for Shaira Diaz

IMAGE @ea_guzman / @shairadiaz_ Instagram

Edgar Allan gets ribbed by celebrity friends who were kilig with his show of affection for rumored girlfriend Shaira Diaz.


Sa kauna-unahang pagkakataon, inihayag ni Edgar Allan Guzman na may gusto pa rin siya sa aktres na si Shaira Diaz.

Ito ay matapos ang ilang taong pagiging mailap ng aktor pagdating sa estado ng kanyang love life.

Pitong taon ang agwat ng edad nina Shaira, 23, at Edgar, 30. 

Sa kanyang Instagram post noong March 20, ibinahagi ni Edgar ang dalawang close-up pictures ni Shaira.

Inilagay niya sa caption ang isang lovestruck emoji at mga katagang “I have a crush on you.”

Sa comments’ section, maiksi pero halatang kilig ang reaksiyon ni Shaira.

Tila gulat niyang komento, “Omo!!!”

Ang “omo” ay salitang Korean na ang English translation ay “oh my gosh.”

Kalakip nito ang monkey-with-hands-on-the-mouth at blushing emojis.

Balik-sagot naman ni Edgar ay simpleng "hi" at blushing emoji.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUPPORTIVE FRIENDS

Marami sa mga malalapit na kaibigan nina EA at Shaira sa showbiz ang ikinatuwa ang pagiging bukas ng aktor sa kanyang nararamdaman para sa dalaga.

Panay ang tukso kay Edgar nina Gabbi Garcia, Winwyn Marquez, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Rodjun Cruz, Valeen Montenegro, at Jason Abalos. 

Narito ang kanilang reactions sa "kilig" post ni Edgar:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EA-SHAIRA RELATIONSHIP HISTORY

Naging magkarelasyon sina Edgar at Shaira noong 2013—mga panahong pareho pa silang nasa bakuran ng TV5 network.  

Pero bandang latter part ng 2017, nagsimulang maging mailap ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon.

Hanggang sa tuluyang naghiwalay umano ang dalawa.

Sa kabila nito, consistent sila sa pagsasabing nanatili silang mabuting magkaibigan.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paniwala pa ng iba, nagkabalikan na sina Edgar at Shaira dahil magkasama silang nagbakasyon sa New York noong nakaraang taon.  

Hindi rin malayong mas mapalapit sila sa isa’t isa ngayong pareho na silang co-manage ng GMA Artist Center.


Stories We Are Tracking

Edgar Allan Guzman denies getting back together with Shaira Diaz
Edgar Allan Guzman denies getting back together with Shaira Diaz
Edgar Allan Guzman, itinangging di naging maganda ang pag-alis niya sa dating manager
Edgar Allan Guzman, itinangging di naging maganda ang pag-alis niya sa dating manager
Edgar Allan Guzman at Shaira Mae dela Cruz, magkasamang bumiyahe sa New York kahit break na?
Edgar Allan Guzman at Shaira Mae dela Cruz, magkasamang bumiyahe sa New York kahit break na?
Shaira Mae evades questions about Edgar Allan Guzman
Shaira Mae evades questions about Edgar Allan Guzman


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN