Sophie Albert prefers current setup with boyfriend Vin Abrenica

IMAGE Noel Orsal

Sophie Albert on being a Kapuso while boyfriend Vin Abrenica is a Kapamilya: "Ako naman, OK siya sa akin. Kasi, hindi nahahalo yung personal at work life namin."


OK lang kay Sophie Albert na maging “Salome” (tagasalo, second choice) sa papel na kabit ni Jason Abalos sa Kapuso teledramang Bihag.

Ang first choice kasi ay si Kim Domingo.

“Like all teleseryes naman, wala namang set in stone until umere,” nakangiting pahayag ni Sophie sa mediacon nitong Marso 25, Lunes ng gabi, sa GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

“And siyempre, napunta sa akin, very thankful ako.”

“Salome” rin before si Sophie bilang kabit ni Rocco Nacino sa Kapuso teleseryeng Pamilya Roces.

Ang first choice doon ay si Winwyn Marquez.

SOPHIE ALBERT'S BOYFRIEND

Sa totoong buhay ay may sariling boyfriend si Sophie. Nagkabalikan sila ni Vin Abrenica last year.

Niligawan ba siya muli ni Vin?

“Actually, noong nagkahiwalay kami, we were always... still talking,” saad ni Sophie.

“And then, eventually, parang ayun nga, naging OK uli kami.

“We were able to work on the problems that we were having.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, at that time, hindi masyadong OK yung career-wise sa akin, also with him.

“So, you know, nag-focus muna kami dun.

"And I think naman, nakakuha kami ng benefit from that break."

Parang mas bumubongga ang career ni Sophie kesa kay Vin, huh?! Nawawala ito sa eksena lately.

“Actually, meron siyang teleserye na ginagawa ngayon. Hindi pa lang umeere,” matatas na paglilinaw ng dalaga.

“Nagkataon lang din na, yun nga, dahil may ni-replace, nagkasunud-sunod lang din. Sinuwerte lang ako, to be honest, na nagkasunud-sunod.”

Mahirap ba ang sitwasyon nila na Kapamilya si Vin, samantalang Kapuso siya?

“Ako naman, OK siya sa akin. Kasi, hindi nahahalo yung personal at work life namin,” katuwiran ni Sophie.

“So, like dito, crowd ko ‘to. Kanya, crowd niya ‘yon. Mayroon kaming sariling mundo.”

Mas gusto ni Sophie na hiwalay sila ni Vin ng TV network.

“Oo, mas maganda naman na hiwalay kami.”

Tanggap ba si Vin ng pamilya niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napangiti nang matamis si Sophie, “Oo naman, love na love siya ng mommy ko! Love na love siya.

"Lagi siyang ipinagluluto ng pagkain ng mommy ko."

For sure, love na love si Sophie ng pamilya ni Vin.

“Napi-feel ko naman, love na love naman po nila ako! Hi! Hi! Hi! Hi! Hi!” kilig-kiligang hagikhik ni Sophie.

“Mabait sila sa akin. Maayos sila sa akin. I love them all.”

Mag-aanim na taon na ang relasyon nina Sophie at Vin.

“Meron kaming short break, pero if you compute the whole ano, mga six years na po kami.”

SOPHIE ON DOING SEXY SCENES

Walang kyeme latik si Sophie sa mga seksi-seksihang karakter at eksena.

“I’m young. You know, I’m not gonna be young forever,” matamang pakli ng dalaga.

“Roles like this na... ngayon ko lang siya magagawa in my entire life. So, while I can do things like this, why not?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag kasal na ako, baka hindi ko na puwedeng gawin ang mga ganyan-ganyan, di ba?”

Pa-sexy rin naman si Vin, ah?!

Napatango si Sophie, “Oo. Actually, he does also very roles.”

Nagkakaproblema ba sila sa intimate scenes? Nagkakaselosan?

“So far, wala naman. Pinag-uusapan naman talaga namin.

"And naging kami, ito talaga ang pangarap namin.

“More than selos, masaya kami for each other na nagkakaroon kami ng mga ganitong opportunity.

“At saka sa sobrang tagal na namin, hindi na uso ‘yang mga selos-selos.”

Nagpupursige si Sophie na mapabuti ang kanyang acting para patunayang hindi lang sexiness ang maio-offer niya.

“I’m happy that the roles that I’m getting are a little bit more on the challenging side,” pagdidiin ng young actress.

“Hindi yung mga pabebe or ano, parang more challenging. And I’m inspired by that.”

Sa Abril 1, Lunes ng 4:15 P.M., mag-uumpisang ipalabas ang Bihag sa GMA 7.

Maliban kina Sophie at Jason, nasa cast nito sina Max Collins, Mark Herras, Neil Ryan Sese, at ang child actor na si Raphael Landicho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN