Robin Padilla defends Rodrigo Duterte amid 'gutter joke'

Apr 18, 2016
<p>Robin Padilla defends his presidential candidate Rodrigo Duterte who is criticized over his joke about an Australian rape victim.</p>

Ioinagtanggol ni Robin Padilla si Davao City Mayor Rodrigo Duterte hinggil sa isyung kinasasangkutan ng presidential candidate kaugnay ng naging pahayag nito tungkol sa isang Australian rape and murder victim.

Isa ang action star sa mga aktibo at vocal supporter ni Duterte.

Binabatikos ngayon si Duterte dahil sa kumalat na video niya habang nagbibigay ng speech sa isang political rally, kung saan tila nagbiro siya tungkol sa kaso ng Australian rape victim sa Davao noong 1989.

Sa social media, marami ang nagalit at nagpahayag ng pagkadismaya sa mga naging pahayag ni Duterte. 

Watch: Rodrigo Duterte jokes about Australian rape victim

Ngunit sa pinakabagong video interview ni Duterte, nagpaliwanag siya tungkol sa kanyang tinuran at sinabing isa itong “gutter joke.”

Depensa pa ni Duterte, siya ang nagpasimuno upang tugisin at patayin ang mga salarin ng nasabing Australian lay missionary.

Watch: Rodrigo Duterte: 'Tingnan nyo kung ano ang ginawa ko, wag kayong makinig sa bunganga ko...kasi bastos!'

Continue reading below ↓

ROBIN SPEAKS UP. Sa kanyang Instagram post ngayong Lunes, April 18, dinepensahan naman ni Robin si Duterte.

Ipinost ni Robin ang sumusunod na quote: “It’s time to get real.”

Pahayag naman ng aktor sa caption, “Dahil sa kwento na narinig mo mula sa paninira ng mga walang kwenta ay Ibig Mo ng maging PANGULO ang isang PINO ngunit SINUNGALING at NGANGA sa problema kaysa sa isang SIGA ngunit DIRETSO at TUMATAPOS ng problema?”

Dagdag pa ni Robin, hindi sa salita kundi sa gawa ang kailangan para makamit ang pagbabago sa Pilipinas.

“Kung magkagayon ang iyong pag-ibig sa Inang Bayan at lalo sa kalayaan sa kahirapan ay mapakla dahil HILAW.

“Pagbabago mula sa gawa ang kailangan ng PILIPINAS hindi mula sa bibig.

“Selfless actions ang tingnan mo dahil yun ang tamang katwiran.” 

Isinunod pa niya inilagay sa caption ang kahulugan at kasingkahulugan ng “selfless.”

Continue reading below ↓

“Selfless ---concerned more with the needs and wishes of others than with one's own; unselfish.

"an act of selfless devotion"

“Synonyms:  unselfish, altruistic, self-sacrificing, self-denying; considerate, compassionate, kind, noble, generous, magnanimous, ungrudging, charitable, benevolent, openhanded.”

Ipinost din ni Robin sa kanyang Facebook account ang nasabing statement, at nasa dulo ng nasabing statement ang mga salitang “Duterte for President.”

Dahil sa kwento na narinig mo mula sa paninira ng mga walang kwenta ay Ibig Mo ng maging PANGULO ang isang PINO ngunit SINUNGALING at NGANGA sa problema kaysa sa isang SIGA ngunit DIRETSO at TUMATAPOS ng problema? Kung magkagayon ang iyong pag ibig sa InangBayan at lalo sa kalayaan sa kahirapan ay mapakla dahil HILAW. Pagbabago mula sa gawa ang kailangan ng PILIPINAS hindi mula sa bibig. Selfless actions ang tignan mo dahil yun ang tamang katwiran. Selfless ---concerned more with the needs and wishes of others than with one's own; unselfish. "an act of selfless devotion" synonyms: unselfish, altruistic, self-sacrificing, self-denying; considerate, compassionate, kind, noble, generous, magnanimous, ungrudging, charitable, benevolent, openhanded.

A photo posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Read Next
Read More Stories About
Robin Padilla, Rodrigo Duterte
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Robin Padilla defends his presidential candidate Rodrigo Duterte who is criticized over his joke about an Australian rape victim.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results