Migo Adecer charged with reckless imprudence over hit-and-run incident

IMAGE Courtesy: Tj Orendain Besa III

Migo Adecer charged with reckless imprudence resulting in serious physical injuries and damage to government property and disobedience to person in authority.


Reckless imprudence resulting in serious physical injuries and damage to government property at disobedience to person in authority ang mga kasong isinampa ng Makati City Police laban sa Sahaya actor na si Migo Adecer, 19.

Inakusahan ang aktor na nagtangkang takasan ang dalawang empleyado ng MMDA na nasagi ng sasakyan na minamaneho niya sa insidente na nangyari kagabi, March 26, sa Makati City.

Nanindigan si Adecer na hindi nito alam na may mga nasagi siya dahil kung meron man, tiyak na tutulungan daw niya ito.

Pero sa panayam ng Unang Hirit ng GMA-7 ngayong Miyerkules ng umaga, March 27, nanindigan si Makati City Chief of Police P/Colonel Roger Simon na lasing na lasing ang aktor, base sa kanyang mga nasaksihan nang personal.

"Nandoon ako mismo so talagang halatang-halata mong lango siya sa alak dahil kinakausap namin, wala sa sarili, nagsisigaw-sigaw.

"Sinalubong namin siya, kumbaga, inipit namin ang kanyang sasakyan doon sa harapan kaya hindi na siya makaabante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iniatras niya ngayon yung kanyang sasakyan at nabangga nga niya itong isang nakaharang na sasakyan sa likod, na itong mobile car nga namin," kuwento ni P/Col.Simon tungkol sa paghabol nila sa humaharurot na sasakyan ni Adecer sa kahabaan ng J.P. Rizal Street.

Bago pa nangyari ang car chase, sinabi ni Simon na nabigyan na ng traffic violation ticket si Adecer dahil sa reckless driving sa Rockwell area.

"Nabigyan siya ng traffic violation receipt at itong OVR [ordinance violation receipt] ay kanyang talagang kinrample [rumpled] yung papel at itinapon at tinakbuhan din niya.

"So, yung kanyang license na isinurender, naiwan dun sa naniket sa kanya.

"So, tinakbuhan niya uli yun, umalis siya, then dumaan siya dito along Poblacion at doon nga niya nasagi itong dalawang mga nakaangkas ng motor," dagdag na pahayag ni Simon.

Ipasusuring mabuti kung alin sa dalawang driver’s license na ipinakita ni Adecer ang totoo dahil magkaiba ang year of birth na nakalagay sa lisensiya ng embattled actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi naman ni Marie Glen Abraham-Garduque, ang legal counsel ni Adecer, na original license ang ipinakita sa kanya ng kliyente niya.

"I will try to interview him more to ask him with respect to that allegation of the fake license.

"Ang initial statement niya sa akin is hindi niya daw alam na meron siyang na-sideswipe.

"Otherwise, nasabi niya sa akin, kung alam niya na merong nasanggi, he would stop.

"Para sa kanya, willing siyang tulungan yung mga victim with respect dun sa medical expenses.

"Kasi, para sa kanya, aksidente naman talaga yung nangyari."

Nakatakda ngayong araw ang inquest proceeding kay Adecer, na magdamag na nagpalipas ng gabi sa Makati City Police Station.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN