Loisa Andalio breaks silence amid rumored video scandal

IMAGE Courtesy: @iamandalioloisa on Instagram

Loisa Andalio stays positive amid rumored video scandal, earns support from netizens and celebrity friends.


Isang linggo makalipas ang hindi magandang balita tungkol sa kanya, muling nagparamdam sa kanyang Twitter followers ang Kapamilya actress na si Loisa Andalio, 19.

Madaling-araw ng Sabado, March 23, naging trending topic sa Twitter ang pangalan ng dating Pinoy Big Brother All In housemate.

Diumano, laman si Loisa ng isang maeskandalong video.

Ngunit walang makapagsabi kung authentic ba ito o kamukha lamang niya ang nasa video.

Mula nang pumutok ang balita, naging tahimik si Loisa at hindi nagparamdam sa kanyang followers sa Instagram at Twitter sa loob ng halos isang linggo.

Hanggang nitong Huwebes ng gabi, March 28, binasag ni Loisa ang kanyang pananahimik sa pamamagitan ng pag-post ng maikling mensahe sa Twitter 

Makahulugang mensahe ni Loisa: “Hindi mawawala ang masayahin, makulit at positibong Loisa.”

Umani ito ng mga positibong komento mula sa netizens at maging sa kanyang celebrity friends tulad nina Alex Diaz, Moira dela Torre, Fifth Solomon, Jane Oineza, at Ria Atayde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami nang celebrities ang nakakaladkad dati pa sa mga kahalintulad na insidente.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN