Angel Locsin gets apology from former high school bully 

IMAGE @lalaflores16 Instagram

The 33-year-old Angel Locsin posts her exchange of messages with former high school bully who apologized to her.


Napangiti si Angel Locsin nang padalhan siya ng letter of apology mula sa isang dating high school bully. 

Sa pamamagitan ng Instagram direct message, humingi ng dispensa kay Angel ang ka-schoolmate niya sa University of Sto. Tomas High School. 

Aminado raw ang hindi pinangalanang schoolmate ni Angel na mali ang ginawa nitong pambu-bully sa aktres noon. 

Sabi ng self-confessed former bully sa kanyang mensahe:

"Hi Angel, you probably don't remember me but I used to not like you back in USTHS. I remember I bullied you before (when there was such thing as 'kabogan').

"I want you to know (while I am watching your movies in Netflix) that I am extrememly amazed by how good an actress you are!

"Congratulation on how you have become a very good actress! I can probably say that perhaps, I am a fan now!

"Again, I apologized for the behavior I did to you." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumagot si Angel sa kanyang schoolmate at sinabing hindi na isyu sa kanya kung anuman ang nangyari noong high school years nila. 

Humingi rin ng tawad ang 33-year-old Kapamilya actress kung may nagawa man daw siyang pagkakamali noon sa taong iyon. 

"Hello! mga bata pa tayo nun hehe :) Your message made me smile. Salamat.

"Pasensya na rin kung may nagawa ako para hindi mo ako magustuhan. Sabi nga nila, it takes two to tango.

"So ayun :) pasensya na. Ingat lagi!" 

Ipinakita ni Angel ang palitan nila ng mensahe ng kanyang schoolmate sa pamamagitan ng Instagram Story niya ngayong Biyernes, March 29. 

Sa karagdagang text na isinulat ni Angel, sinabi niyang hindi pa huli ang lahat para magkapatawaran ang sinumang may karanasan sa bullying. 

Ani Angel: "I'm quite moved by this. Sharing this to you guys in case kailangan nyo :)

"At some point in our lives, weve all been bullied, and we've all been bullies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But as a wise Beatle once wrote, 'Life is very short, and there's no time for fussing and fighting, my friend.'

"So, if you have the chance to apologize to someone you've hurt, take it. And if someone asks for your forgiveness, give it to them. In either case, if your efforts are sincere, you'll never regret it." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN